Benefactors ng Send Someone Home Program, patuloy na nagpapauwi ng mga distressed OFWs

Written by Admin
  • Pinterest

7 OFWs ang tumanggap ng libreng plane tickets mula sa mga benefactors ng Send Someone Home program ng UFOQ. (Photo: Jeanette Gotangogan)7 OFWs ang tumanggap ng libreng plane tickets mula sa mga benefactors ng Send Someone Home program ng UFOQ. (Photo: Jeanette Gotangogan)

Pitong (7) mga OFWs kahapon ang binigyan ng libreng plane tickets ng UFOQ mula sa mga 'benefactors' ng programa nito na 'Send Someone Home'. Ginawa ang pagbigay ng plane ticket sa tanggapan ni Labor Attache David Des Dicang ng POLO sa Qatar. Personal na inabot ang mga confirmed plane ticket sa mga kababayan na nakatakdang dalhin na sa deportation upang tuluyang makalipad pauwi ng Pilipinas. 

Maliban sa pitong OFWs, naunang nakapagpauwi na rin ang programa ng tatlo pang mga OFWs. 

Patuloy na pinapasalamatan ng UFOQ ang lahat ng mga benefactors ng nasabing programa. 

 

...

5th Asian Community Football Tournament, pormal ng binuksan

Written by Admin
  • Pinterest

Mga manlalaro ng Team Philippines na kumakatawan mula sa Pinoy Futbol Club Qatar (PFCQ).Mga manlalaro ng Team Philippines na kumakatawan mula sa Pinoy Futbol Club Qatar (PFCQ).

Pormal na ngang binuksan ang 5th Asian Communities Football Tournament (ACFT) nitong gabi ng February 24, 2017 sa Al Ahli Sports Club. Dinaluhan ang Opening Ceremony ng labindalawang (12) kuponan, mga opisyal ng Qatar Football Association (QFA) at mga Ambassadors ng mga bansang kalahok kasama na ang Pilipinas.
Labindalawang (12) mga kuponan na hinati sa dalawang grupo ang maglalaban. Ang mga bansang ito ay ang mga sumusunod: Group A: Indonesia, Lebanon, Jordan, India, South Korea, at China. Group B: Malaysia,...

Read more: 5th Asian Community Football Tournament, pormal ng binuksan

Team Philippines, lalaban sa 5th Asian Communities Football Tournament (ACFT)

Written by Admin
  • Pinterest

Ladindalawang (12) Asian Counties ang lumahok sa 5th QFA-ACFT Tournament na magsisimula na ngayong February 23, 2017. (Photo: Ressie Fos)Ladindalawang (12) Asian Counties ang lumahok sa 5th QFA-ACFT Tournament na magsisimula na ngayong February 23, 2017. (Photo: Ressie Fos)

Handa na ang Team Philippines na binubuo ng mga piling manlalaro mula sa hanay ng mga Overseas Filipinos sa Qatar, at mga kasapi ng Pinoy Futbol Club – isang Filipino sports organization na recognized ng Philippine Embassy at nasa ilalim ng umbrella ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ).

Ito ang pagtitiyak ni Mr. Jafar Ampuan Abdulhamid – Attacking/Defensive Midfielder ng Team Philippines na nagsisilbi ring representante ng kopunan at kasapi sa komite at ni Mr. Ammiel Mejia, President ng...

Read more: Team Philippines, lalaban sa 5th Asian Communities Football Tournament (ACFT)