Buklod, namigay ng tulong para sa mga distressed OFWs

Written by Admin
  • Pinterest

Sa itaas: Larawan ng mga pinamigay na items para sa mga OFWs na nasa ward ng POLO-OWWA. Sa ibaba: Mga opisyal at kasapi ng Buklod. Sa itaas: Larawan ng mga pinamigay na items para sa mga OFWs na nasa ward ng POLO-OWWA. Sa ibaba: Mga opisyal at kasapi ng Buklod.

Nagsimula sa simpleng barkadahan at pagtatagpo sa Corniche tuwing Biyernes, tuluyan na ngang naging ganap na organisasyon sa ilalim ng UFOQ (recognized by the Philippine Embassy) ang Buklod ng Bayaning Pilipino sa Qatar (BBPQ) o mas kilala sa tawag na 'Buklod' matapos matanggap ang kanilang certificate of recognition mula sa Embahada ng Pilipinas, at maluklok sa katungkulan ang mga kasalukuyang opisyal noong Enero 13, 2017. 

Bilang bahagi ng programa ng Buklod, nitong nakaraang Biyernes ng hapon (March 17, 2017) ay nagkaroon ito ng outreach program para sa mahigit 70 na mga kababayang nasa pangangalaga ng POLO-OWWA. Namigay ang Buklod ng mga personal na gamit tulad ng mga damit, footwear, baby diapers at mga damit pambata. Hindi lamang pagkaing pisikal dahil sa binahagi na mga food packs, kundi maging pagkaing ispiritwal o mga motivational testimonies ang hinandog ng mga kasapi ng Buklod na ika nga ay nakaka-relate sa mga pinagdadaanan ng...

Read more: Buklod, namigay ng tulong para sa mga distressed OFWs

Samahang Zambalenyo Qatar limang taon ng naglilingkod

Written by Admin
  • Pinterest

Matapos ang programa ay nagkaroon ng group picture taking ang mga kasapi at opisyal ng Samahang Zambalenyo Qatar (SZQ) kasama si UFOQ Chairman Ressie Fos. | Photo by Henry OgabarMatapos ang programa ay nagkaroon ng group picture taking ang mga kasapi at opisyal ng Samahang Zambalenyo Qatar (SZQ) kasama si UFOQ Chairman Ressie Fos. | Photo by Henry Ogabar

Ginanap nitong nakaraang Biyernes ng hapon, March 17, 2017 sa Kain QaPa Restaurant ang ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng Samahang Zambalenyo Qatar (SZQ) na dinaluhan ng mga kasapi nito.

Matatandaang naitatag ang SZQ noong taong 2012 sa pangunguna ng founding chairman nito na si G. Henry Ogabar. Sa pagkakaisa at suporta ng mga kasapi nito, ay hindi na rin matatawaran ang mga programa at proyektong nagawa ng SZQ hindi lang dito sa Qatar kundi maging sa lalawigan ng Zambales.

Sa...

Read more: Samahang Zambalenyo Qatar limang taon ng naglilingkod

Visit Philippines 2017 Inilunsad Ng UFOQ-TCC Sa Pyestahan 2017

Written by George Visin Babiano
  • Pinterest

Inaliw ng mga performers ng Tanghalang Overseas Pinoy (TOPi) ang mga kababayan kasama na ang ibang lahi na nanonood ng ginawang paglunsad ng Visit Philippines 2017 sa ginanap na Pyestahan 2017 sa Asian Town, Industrial Area Inaliw ng mga performers ng Tanghalang Overseas Pinoy (TOPi) ang mga kababayan kasama na ang ibang lahi na nanonood ng ginawang paglunsad ng Visit Philippines 2017 sa ginanap na Pyestahan 2017 sa Asian Town, Industrial Area

Mayamang kultura at turismo ng Pilipinas ang naging tema ng paglulunsad ng Visit Philippines 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pyestahan 2017 nuong Biyernes ng gabi, Marso 10, 2017 sa Asian Town Activity Area, Doha .

Ang Visit Philippines 2017 (“Bisitahin ang Pilipinas 2017”) ay opisyal na proyekto ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) sa ilalim ng Committee on Tourism and Culture na pinamumunuan ni Chair Jundee Tejedo at Vice Chair Raymond Carasig bilang kabahagi ng Embahada ng Pilipinas...

Read more: Visit Philippines 2017 Inilunsad Ng UFOQ-TCC Sa Pyestahan 2017