Samahang Zambalenyo Qatar limang taon ng naglilingkod

Written by Admin
  • Pinterest

Matapos ang programa ay nagkaroon ng group picture taking ang mga kasapi at opisyal ng Samahang Zambalenyo Qatar (SZQ) kasama si UFOQ Chairman Ressie Fos. | Photo by Henry OgabarMatapos ang programa ay nagkaroon ng group picture taking ang mga kasapi at opisyal ng Samahang Zambalenyo Qatar (SZQ) kasama si UFOQ Chairman Ressie Fos. | Photo by Henry Ogabar

Ginanap nitong nakaraang Biyernes ng hapon, March 17, 2017 sa Kain QaPa Restaurant ang ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng Samahang Zambalenyo Qatar (SZQ) na dinaluhan ng mga kasapi nito.

Matatandaang naitatag ang SZQ noong taong 2012 sa pangunguna ng founding chairman nito na si G. Henry Ogabar. Sa pagkakaisa at suporta ng mga kasapi nito, ay hindi na rin matatawaran ang mga programa at proyektong nagawa ng SZQ hindi lang dito sa Qatar kundi maging sa lalawigan ng Zambales.

Sa ulat ng kasalukuyang Pangulo ng SZQ na si Engr. Rey L. Arquilado, ilan sa mga programa ng kanilang organisasyon sa mismong lalawigan ng Zambales ay feeding program, scholarship program at maging hog raising & dispersal – isang livelihood program na pinapangasiwaan ng Samahang Zambalenyo Philippines under Samahang Zambalenyo International (SZI). Ang SZI ay binubuo ng iba’t ibang samahang Zambalenyo sa Singapore, UAE, Hongkong, Saudi, Qatar, Philippines, Canada at Australia. Idagdag...

Read more: Samahang Zambalenyo Qatar limang taon ng naglilingkod

Visit Philippines 2017 Inilunsad Ng UFOQ-TCC Sa Pyestahan 2017

Written by George Visin Babiano
  • Pinterest

Inaliw ng mga performers ng Tanghalang Overseas Pinoy (TOPi) ang mga kababayan kasama na ang ibang lahi na nanonood ng ginawang paglunsad ng Visit Philippines 2017 sa ginanap na Pyestahan 2017 sa Asian Town, Industrial Area Inaliw ng mga performers ng Tanghalang Overseas Pinoy (TOPi) ang mga kababayan kasama na ang ibang lahi na nanonood ng ginawang paglunsad ng Visit Philippines 2017 sa ginanap na Pyestahan 2017 sa Asian Town, Industrial Area

Mayamang kultura at turismo ng Pilipinas ang naging tema ng paglulunsad ng Visit Philippines 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pyestahan 2017 nuong Biyernes ng gabi, Marso 10, 2017 sa Asian Town Activity Area, Doha .

Ang Visit Philippines 2017 (“Bisitahin ang Pilipinas 2017”) ay opisyal na proyekto ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) sa ilalim ng Committee on Tourism and Culture na pinamumunuan ni Chair Jundee Tejedo at Vice Chair Raymond Carasig bilang kabahagi ng Embahada ng Pilipinas...

Read more: Visit Philippines 2017 Inilunsad Ng UFOQ-TCC Sa Pyestahan 2017

Onslaught Racing Dragons Sumagwan Ng Ginto

Written by George Visin Babiano
  • Pinterest

Onslaught Racing Dragons Qatar (ORDQ)Onslaught Racing Dragons Qatar (ORDQ)

Nagpakitang gilas at nanguna ang Onslaught Racing Dragons Qatar (ORDQ) sa iba’t-ibang kategorya ng kakatapos lamang na 2017 Qatar Dragon Boat Festival na ginanap sa Grand Hyatt Hotel, Doha noong ika-10 Marso 2017.

Nakamit ng koponan ang Gold sa Mixed Premier 200 meters at Corporate premier 200 meters at Silver naman sa Open premier 200 meters. Tatlong araw bago ang nasabing paligsahan ay opisyal na kinilala ng Embahada ng Pilipinas sa Doha at ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ)...

Read more: Onslaught Racing Dragons Sumagwan Ng Ginto