JAPA, nagbigay ng tulong para sa mga proyekto ng UFOQ

Written by Admin
  • Pinterest

(From L-R) Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare & Outreach Committee; Mr. Ressie Fos - UFOQ Chairman, Mr. Jerry Dee - JAPA Owner/Manager; Ms. Aisha Al Baker - UFOQ Treasurer, at Ms. Jeanette Gotangogan - UFOQ Ways & Means Committee Chairperson(From L-R) Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare & Outreach Committee; Mr. Ressie Fos - UFOQ Chairman, Mr. Jerry Dee - JAPA Owner/Manager; Ms. Aisha Al Baker - UFOQ Treasurer, at Ms. Jeanette Gotangogan - UFOQ Ways & Means Committee Chairperson

Kaugnay ng pagbukas ng JAPA Global Trading - Qatar Branch nitong April 28, 2017 sa kanilang bagong shop sa Bin Mahmoud, nagbigay rin ng tulong para sa programang Send Someone Home at iba pang proyekto ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) ang may-ari at manager nito na si Mr. Jerry Dee kanina ng hapon.

Personal na inabot ni Mr. Jerry ang kanyang tulong para sa mga proyekto ng UFOQ kay UFOQ Treasurer Aisha Al Baker at Ways and Means Committee Chairperson - Jeanette Gotangogan, na sinaksihan naman nina UFOQ Chairman Ressie Fos at UFOQ Welfare and Outreach Committee Chairman - Arkan Pabatao.

Lubos namang pinasalamatan ng mga opisyal ng UFOQ si Mr. Jerry sa suporta nito sa umbrella organization. Tiniyak naman ng mga opisyal na anumang tulong at suporta sa UFOQ ay tiyak na makakaabot sa mga dapat na magbebenepisyo nito. 

Ang JAPA Global Trading, o mas kilala sa tawag na JAPA...

Read more: JAPA, nagbigay ng tulong para sa mga proyekto ng UFOQ

3rd Quarterly General Assembly ng mga Filipino community organizations sa Qatar, ginanap

Written by Admin
  • Pinterest

Si Philippine ambassador to Qatar - Ambassador Alan L. Timbayan habang nagbibigay ng mensahe para sa mga Filipino community leaders na dumalo sa 3rd Quarterly General Assembly ng UFOQ na ginanap sa Philippine Embassy, ngayong hapon (April 28, 2017) | Photo by AFJQSi Philippine ambassador to Qatar - Ambassador Alan L. Timbayan habang nagbibigay ng mensahe para sa mga Filipino community leaders na dumalo sa 3rd Quarterly General Assembly ng UFOQ na ginanap sa Philippine Embassy, ngayong hapon (April 28, 2017) | Photo by AFJQ

Ginanap ngayong hapon (April 28, 2017) sa Philippine Embassy ang 3rd Quarterly General Assembly na pinatawag at pinamunuan ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) - umbrella organization ng Filipino community sa Qatar. Ang general assembly ay regular na ginaganap kada quarter ng UFOQ upang mag-ulat tungkol sa mga status ng mga programa at proyekto nito at upang talakayin ang iba pang isyu na kinakaharap nito maging ng mga kasaping organisasyon.

Sa unang pagkakataon ay humarap at nagbigay ng mensahe ang...

Read more: 3rd Quarterly General Assembly ng mga Filipino community organizations sa Qatar, ginanap

UFOQ-Ferrand Scholarship Grant, nagpapatuloy

Written by Admin
  • Pinterest

Sa bisa ng ugnayan ng UFOQ at Ferrand Qatar, patuloy na magbibigay ng scholarship ang UFOQ para sa mga mag-aaral o magsasanay ng mga basic courses na binibigay ng Ferrand Qatar, para sa Batch 3 na magsisimula ngayong May 12, 2017. 

Kamakailan lamang ay nagtapos ang mahigit dalawang daang OFWs sa Batch 2 ng mga nagsanay sa Ferrand sa ilalim ng Filipino at International Skills Training Program nito. Dahil sa kalidad ng mga pagsasanay at pagtuturong ginagawa, hindi lamang mga...

Read more: UFOQ-Ferrand Scholarship Grant, nagpapatuloy