Buklod, namigay ng regalo sa mga distressed OFWs

Written by Admin
  • Pinterest

Photo by Marnie T. Alvarez - BuklodPhoto by Marnie T. Alvarez - Buklod

Nagtipon ang mga opisyal at myembro ng Buklod nitong Biyernes ng hapon, Decemebr 8, 2017 sa shelter ng POLO - Qatar upang mamigay ng regalo sa mga distressed OFWs na pansamantalang nakatira sa nasabing shelter.

Ayon kay Ms. Marnie Alvarez, pangulo ng organisasyon, ang nasabing gift-giving ay taunang ginagawa ng Buklod, isa sa mga aktibong Filipino organizations sa Qatar na recognized ng Philippine Embassy. 

Maliban sa mga myembro ng Buklod, may iba ring kasapi sa Bayanihan movement ang nag-ambag para sa nasabing gift-giving. 

Samantala, hinikayat ni Ka Ressie Fos (adviser ng grupo) ang mga distressed OFWs na patuloy lang na manampalataya sa Diyos, dahil lahat umano naman sila ay makakaalpas sa kanilang pinagdadaanan at makakauwi. Aniya, lahat naman ng tao ay may mga pagsubok na pinagdadaanan, walang exempted, ang magandang balita nga lang, tinitiyak ng Diyos ang kalutasan ng mga suliraning ito. 

Dumalo din sa gift-giving si Mr. Jerry Ronquillo - Chairman...

Read more: Buklod, namigay ng regalo sa mga distressed OFWs

Buhay Tsuper masayang nagdaos ng maagang Christmas Party

Written by Admin
  • Pinterest

Photo by SkyLeer Perez (Facebook)Photo by SkyLeer Perez (Facebook)

Masaya at matagumpay na nagdaos ng maagang Christmas Party ang mga kasapi ng Buhay Tsuper Doha Qatar (BTDQ) ngayong araw (December 8, 2017) sa Al Liwan Hotel na ginanap mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon na dinaluhan ng mahigit 50 mga kasapi at bisita. Bagamat simple lamang ang programa, naging masaya naman ito dahil na rin sa tradisyonal na exchange gift at mala-pyestang kainan. 

Ang Buhay Tsuper ay naitatag noon pang 2012 sa ibang bahagi ng GCC, kasama na dito sa Qatar, subalit noong 2015 lamang ito nabigyan ng recognition ng Philippine Embassy, bilang isa sa mga aktibong Filipino community sa Qatar at nasa umbrella ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ). Binubuo ang nasabing organisasyon ng mga Filipina drivers sa Qatar at umaabot na ang kanilang myembro ng mahigit 150, bagamat 'yong iba umano ay nakauwi na sa Pilipinas. 

Ayon kay Corazon Salino (founder ng organisasyon) at...

Read more: Buhay Tsuper masayang nagdaos ng maagang Christmas Party

'Bayanihan' tagumpay na nagdaos ng unang sportsfest

Written by Admin
  • Pinterest

Group photo ng mga kuponan at manlalaro na sumalli sa unang Bayanihan Sportsfest na ginanap sa Al Arab International Academy nitong Byernes (Nov 10, 2017). Photo: AFJQGroup photo ng mga kuponan at manlalaro na sumalli sa unang Bayanihan Sportsfest na ginanap sa Al Arab International Academy nitong Byernes (Nov 10, 2017). Photo: AFJQ

Punong-puno ng saya, pagkakaisa at pagkakapatiran ang kauna-unahang sportsfest na ginanap ng Bayanihan, isang cooperation na binubuo ng hindi bababa sa 30 Filipino organizations nitong nakaraang Byernes (November 10, 2017) sa Al Arab International Academy. Sinalihan ang nasabing palaro ng hindi bababa sa 25 organizations na bumuo ng apat (4) na kuponan (Red, Blue, Yellow, at White). 

Nagtagisan ng lakas at galing ang mga manlalaro para sa mga larong basketball (for men), Volleyball (mixed men and women) at laro ng...

Read more: 'Bayanihan' tagumpay na nagdaos ng unang sportsfest

Vodafone Qatar sumuporta para sa Bayanihan

Written by Admin
  • Pinterest

Si Mr. Fahad Al Sairi, External Affairs Officer ng Vodafone Qatar, kasama ang mga lider ng ibat' ibang organisasyon na kumakatawan at bumubuo sa ginanap na Bayanihan initiative sa POLO shelter nitong hapon ng Setyembre 22, 2017. Photo by Rlg Khriys SaacSi Mr. Fahad Al Sairi, External Affairs Officer ng Vodafone Qatar, kasama ang mga lider ng ibat' ibang organisasyon na kumakatawan at bumubuo sa ginanap na Bayanihan initiative sa POLO shelter nitong hapon ng Setyembre 22, 2017. Photo by Rlg Khriys Saac

Minsan pa ay maluwag na ipinagkaloob ng Vodafone Qatar and kanilang suporta para sa pag-aabot sa mga nangangailangang Filipino expats sa Qatar, sa pamamagitan ng pagbibigay ng 1000 hours airtime free calls para sa mga distressed Filipino expats na pangunahing benepesyaro ng Bayanihan initiative na ginanap sa POLO shelter, kahapon (September 22, 2017) ng hapon. Nabiyayaan nito ang mahigit na 80 Filipino expats (OFWs) na pansamantalang nasa pangangalaga ng POLO-OWWA. 

Ayon kay Mr. Mohammed Al Yami, Director of External Affairs, Vodafone...

Read more: Vodafone Qatar sumuporta para sa Bayanihan