3rd Quarterly General Assembly ng mga Filipino community organizations sa Qatar, ginanap

Written by Admin
  • Pinterest

Si Philippine ambassador to Qatar - Ambassador Alan L. Timbayan habang nagbibigay ng mensahe para sa mga Filipino community leaders na dumalo sa 3rd Quarterly General Assembly ng UFOQ na ginanap sa Philippine Embassy, ngayong hapon (April 28, 2017) | Photo by AFJQSi Philippine ambassador to Qatar - Ambassador Alan L. Timbayan habang nagbibigay ng mensahe para sa mga Filipino community leaders na dumalo sa 3rd Quarterly General Assembly ng UFOQ na ginanap sa Philippine Embassy, ngayong hapon (April 28, 2017) | Photo by AFJQ

Ginanap ngayong hapon (April 28, 2017) sa Philippine Embassy ang 3rd Quarterly General Assembly na pinatawag at pinamunuan ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) - umbrella organization ng Filipino community sa Qatar. Ang general assembly ay regular na ginaganap kada quarter ng UFOQ upang mag-ulat tungkol sa mga status ng mga programa at proyekto nito at upang talakayin ang iba pang isyu na kinakaharap nito maging ng mga kasaping organisasyon.

Sa unang pagkakataon ay humarap at nagbigay ng mensahe ang bagong ambasador ng Pilipinas sa Qatar - Ambassador Alan Timbayan sa pangkalahatang kasapian ng UFOQ. Sa maikli at direktang mensahe ng Ambassador, nagpasalamat siya sa Filipino community organizations sa pagkakaisa at pakikipatulungan nito sa nakalipas na PRRD's State Visit sa Qatar, kasama ang matagumpay na Community Meeting sa Lusail Sports Arena. Siniguro din ng bagong ambasador ang suporta at pakikiisa ng embahada sa UFOQ at mag kasaping organisasyon nito, para sa...

Read more: 3rd Quarterly General Assembly ng mga Filipino community organizations sa Qatar, ginanap

Mga Klase ng Kontrata ayon sa Qatar Labor Law

Written by Ressie Fos - UFOQ Chairman
  • Pinterest


Sa pagkabisa ng Qatar Law No. 21 of 2015, (regulating the entry, exit and residency of expatriates), o pede ring tawagin na migration o residency law, marami pa rin ang tila nalilito sa pagtawag ng ‘labor law’ sa batas na ito. Ang totoo, hindi po labor law itong Law 21 of 2015, dahil ang Qatar Labor Law ay tumutukoy sa Law No. 14 of 2004 as amended, bagamat magkaugnay ang dalawang batas lalong-lalo sa aspeto ng ‘sponsorship’.

Isa sa importanteng pagbabago sa Law No. 21 of 2015 ay ang pagtanggal sa tinatawag na NOC (No Objection Certificate) na pumapayag sa manggagawa para makalipat sa ibang kumpanya o employer. Subalit ang nasabing pagtanggal ng NOC ay naaayon sa klase ng kontrata, kung kaya’t importanteng malaman natin kung ano ba ang napapaloob sa mga klase ng kontrata na nakasaad sa Qatar Labor Law.

Ano ang mga klase ng kontrata?

May dalawang (2)...

Read more: Mga Klase ng Kontrata ayon sa Qatar Labor Law

UFOQ-Ferrand Scholarship Grant, nagpapatuloy

Written by Admin
  • Pinterest

Sa bisa ng ugnayan ng UFOQ at Ferrand Qatar, patuloy na magbibigay ng scholarship ang UFOQ para sa mga mag-aaral o magsasanay ng mga basic courses na binibigay ng Ferrand Qatar, para sa Batch 3 na magsisimula ngayong May 12, 2017. 

Kamakailan lamang ay nagtapos ang mahigit dalawang daang OFWs sa Batch 2 ng mga nagsanay sa Ferrand sa ilalim ng Filipino at International Skills Training Program nito. Dahil sa kalidad ng mga pagsasanay at pagtuturong ginagawa, hindi lamang mga...

Read more: UFOQ-Ferrand Scholarship Grant, nagpapatuloy

Takdang Haba ng Oras ng Pagtatrabaho

Written by Ressie Fos - UFOQ Chairman
  • Pinterest

Takdang Haba ng Oras ng Pagtatrabaho

Marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagtatanong tungkol sa tamang oras ng pagtatrabaho ayon sa Qatar Labor Law.
Ayon sa Article 73 ng Qatar Labor Law, ang standard na haba ng oras ng pagtatrabaho ay dapat hindi lalagpas sa 48 oras kada linggo, maliban na lamang sa buwan ng Ramadan kung saan ang oras ay pinaiksi sa 36 oras kada linggo.

So ilang oras ba dapat magtrabaho kada araw ang isang OFW?

...
Read more: Takdang Haba ng Oras ng Pagtatrabaho