UFOQ-LBC Qatar Partnership, pormal ng ilulunsad

Written by Admin
  • Pinterest

Graphics Design by Pixxelsis Digital Media (www.pixxelsis.com)Graphics Design by Pixxelsis Digital Media (www.pixxelsis.com)

Opisyal na ilulunsad ngayong darating na May 15, 2017 ang UFOQ-LBC Qatar Partnership para sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong pakikinabangan at magbebenepisyo sa mga Overseas Filipinos sa bansang Qatar. Inaasahang pipirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng UFOQ at LBC Qatar upang pormal at opisyal na pagtibayin ang kanilang ugnayan.

Ang mga programa at proyektong may pakinabang sa mga OFWs sa Qatar ang syang pangunahing direksyon ng kasalukuyang UFOQ administration, samantalang bahagi naman ng Corporate Social Responsibility at pagbabalik ng pasasalamat ng LBC para sa mga tumatangkilik sa serbisyo nito ang mga pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang nasabing ugnayan. 

Maliban sa pirmahan ng MOA, itatampok din sa nasabing luanching ng UFOQ-LBC Qatar Partnership ang inaugauration ng opisina ng UFOQ at online radio studio para sa programang UFOQ-AFJQ Teleradio. Ang opisina (at studio) ay handog ng LBC Qatar bilang bahagi ng suporta nito sa UFOQ. 

Inaasahan...

Read more: UFOQ-LBC Qatar Partnership, pormal ng ilulunsad

Family Income Management seminar, gaganapin ng UFOQ ngayong Biyernes

Written by Admin
  • Pinterest

Graphics Design by Pixxelsis Digital Media (www.pixxelsis.com)Graphics Design by Pixxelsis Digital Media (www.pixxelsis.com)

Paano na lang kung bigla kang nasisante sa trabaho mo at wala ka ng ibang option kundi ang umuwi na lamang pabalik sa Pilipinas? Handa ka ba financially? Or maaring hindi ka makakauwi dahil sa may utang ka pang maiiwanan sa bangko rito? Bakit nga ba sa tagal o medyo matagal ka na ring abroad, pero tila baga hindi mo ramdam na may sapat kang ipon, o kaya naka pundar ka ng mga ari-arian o kaya ay kumikitang negosyo at pangkabuhayan? Hindi naman kaya may kailangan ka lang na itama sa iyong spending habit at pamamahala ng iyong pananalapi?

Ito ang pangunahing rason kung bakit maglulunsad ang United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) ng mga serye ng seminar tungkol sa Family Income Management una para sa mga opisyal ng lahat ng mga Filipino organizations na nasa ilalim ng umbrella ng UFOQ, at sa huli sa pagpapatuloy ng serye nitong seminar...

Read more: Family Income Management seminar, gaganapin ng UFOQ ngayong Biyernes

JAPA, nagbigay ng tulong para sa mga proyekto ng UFOQ

Written by Admin
  • Pinterest

(From L-R) Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare & Outreach Committee; Mr. Ressie Fos - UFOQ Chairman, Mr. Jerry Dee - JAPA Owner/Manager; Ms. Aisha Al Baker - UFOQ Treasurer, at Ms. Jeanette Gotangogan - UFOQ Ways & Means Committee Chairperson(From L-R) Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare & Outreach Committee; Mr. Ressie Fos - UFOQ Chairman, Mr. Jerry Dee - JAPA Owner/Manager; Ms. Aisha Al Baker - UFOQ Treasurer, at Ms. Jeanette Gotangogan - UFOQ Ways & Means Committee Chairperson

Kaugnay ng pagbukas ng JAPA Global Trading - Qatar Branch nitong April 28, 2017 sa kanilang bagong shop sa Bin Mahmoud, nagbigay rin ng tulong para sa programang Send Someone Home at iba pang proyekto ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) ang may-ari at manager nito na si Mr. Jerry Dee kanina ng hapon.

Personal na inabot ni Mr. Jerry ang kanyang tulong para sa mga proyekto ng UFOQ kay UFOQ Treasurer Aisha Al Baker at Ways and Means Committee...

Read more: JAPA, nagbigay ng tulong para sa mga proyekto ng UFOQ

Karapatan ng mga Babaeng Manggagawa

Written by Ressie Fos - UFOQ Chairman
  • Pinterest

Alam nyo ba na ang Qatar Labor Law ay nagbibigay din ng pantay na karapatan para sa mga babaeng manggagawa? Narito ang ilan sa mga dapat nating malaman.

Sweldo at Klase ng Trabaho

Ayon sa Article 93 ng Qatar Labor Law, pareho lang dapat ang sweldo ng mga babae sa mga lalakeng manggagawa sa parehong position at ginagawang trabaho. Pareho rin dapat ang kanilang karapatan para sa mga pagsasanay at promosyon.

Samantala, may espesyal din na karapatan ang mga babaeng...

Read more: Karapatan ng mga Babaeng Manggagawa