Lando Longcop, Nagwagi Bilang RUGBII Boracay Ginoong Guardians 2014

Written by Manny V. Camato
  • Pinterest

Mga nanalo sa GG2014 at mga huradoMga nanalo sa GG2014 at mga hurado

Matapos ang mahabang proseso ng patimpalak ng Reformed & United Guardians Brotherhood International Inc. - Boracay Restaurant Ginoong Guardians 2014, iginawad noong Marso 28, 2014 ang mga nanalo sa taunang kompetisyon.  Nagwagi bilang RUGBII Boracay Ginoong Guardians 2014 si Lando “RMG Ren Ren” Longcop na umani ng 78% at kanyang iuwi ang tropeo, plake at sash mula sa program organizer.  Nagkamit rin ng regalo mula kay Marjorie “LG Marj” Elorde ng AIM Global Company ang nanalong si Longcop.  Nakamtan naman ni Marc Ian “RMG Ian” Lausa na may 66% ang RUGBII Boracay Ginoong Guardians Pilipinas 2014 at si Eduardo “MG Akiro” Buscato na may naipong 49% bilang RUGBII Boracay Ginoong Guardians Luzon 2014.  Dalawa pang finalist na sina Mario “RMG Macky” Medalla at Jerry “MG Jher” Dauz bilang RUGBII Boracay Ginoong Guardians Visayas at Mindanao ayon sa pagkakasunod-sunod.  Bukod sa mga tronong naibigay sa mga nanalo, nanaig bilang Best in Sports...

Read more: Lando Longcop, Nagwagi Bilang RUGBII Boracay Ginoong Guardians 2014

Nag-iinit ang Fire of Defender sa RUGBII AIM Global Friendship Cup

Written by Manny V. Camato
  • Pinterest

Opening tip-off ng PaligaOpening tip-off ng PaligaMatapos manaig sa pagbubukas ng Reformed & United Guardians Brotherhood International Inc. (RUGBII) AIM Global 2nd Basketball League na ginanap sa Aject Engineering Basketball Court sa Sailiyah, Qatar noong Marso 14, 2014, muling nanalo ang koponang RUGBII Fire of Defender kontra sa RUGBII Armor of Defender.  Sa kanilang unang asignatura noong Marso 14, nagliyab si Walter “FRMG Yresh” Biete, Jr. na pumukol ng 35 puntos, 5 roon sa rainbow territory ng kanilang sunugin ang rumaragasang RUGBII Stallion Defender – Speed team.  Inayudahan si Biete ni Erickson “MG Abe” Abe na umani ng 16 puntos tungo sa 73-69 panalo.  Bumida naman sa Defender - Speed team si Louie Odogan (20 puntos) at Lando “RMG Ren Ren” Longcop na may 18 puntos.  Noong Marso 28, sa kanilang laban kontra Armor, muling nagpakitang gilas ang kanilang point guard na si Abe na may 15 puntos kasama ang kanilang sentrong si MG Ramos na may...

Read more: Nag-iinit ang Fire of Defender sa RUGBII AIM Global Friendship Cup