BMKQ Training Program for Paralegal Volunteers - Module 1, ginanap

Written by Admin
  • Pinterest

Photo by Ressie FosPhoto by Ressie Fos

Ginanap ngayong araw ang Training Program for Paralegal Volunteers na inilunsad at pinangunahan ng Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksyon ng Qatar (BMKQ) - isang organisasyon ng mga Pilipinong manggagawa sa Qatar mula sa construction sector. Layunin ng programa ang sanayin ang mga paralegal volunteers patungkol sa Qatar Labor Law, Residency Law, at iba pang kaugnay na batas. Dinaluhan ang nasabing seminar ng 35 participants mula sa mga kasapi ng BMKQ at mga community organisations, marami sa kanila ay kasama sa Bayanihan Movement.

Ang Program for Paralegal Volunteers ay binubuo ng tatlong yugto o sereye - 1) Fundamentals kung saan itinututuro ang mga salient provisions of related laws para sa mga migrant workers; 2) Advance - kung saan mas malalalim at detalyado ang pagtuturo kasama ang detalyadong pagdodokyumento ng kaso, at ang 3) Field Practicum - kung saan ay isasama ang mga volunteers sa mga on-site visit and outreach program ng BMKQ at actual na isasalang upang magpanayam o sumagot sa mga tanong ng mga kababayan.

Isa sa pangunahing itinatampok ng nasabing seminar ay maturuan ang mga volunteers sa pagdodokyumento ng mga idinudulog na problema ng mga kapwa Pilipinog manggagawa. Ang sistema ng pagdodokyumento ay susuportahan ng isang online help desk system upang mas mapadali ang pagrerekord at pagmomonitor ng mga idinudulog na problema para s kaukulang payo at gabay. Bilang bahagi ng workshop, ang mga participants ay nagkaroon ng role-play sa pakikipag panayam sa mga dumudulog ng kanilang sumbong o problema at kung paano ang mga impormasyong ito ay itinatala sa nasabing online database system.

Naging lecturer si Ressie Fos, taga pangulo ng BMKQ at dating chairman ng UFOQ, samantala si Marco Ferrer naman ang naging facilitator ng nasabing seminar. Sa paglilinaw ni Mr. Fos, sinabi nitong ang dahilan ng pagtuturo sa mga kababyan ay upang mas maging produktibo silang mga manggagawa na sumusunod sa mga batas ng Qatar.

Role-play na nagpapakita ng isang eksena ng pagpapanayam at pagdodokyumento ng mga detalye ng sumbong na idinudulog ng mga Pilipinong manggagawa. (Nasa larawan, L-R:  Emil B. Libres at Joven C. Pasiga). Photo by Ressie FosRole-play na nagpapakita ng isang eksena ng pagpapanayam at pagdodokyumento ng mga detalye ng sumbong na idinudulog ng mga Pilipinong manggagawa. (Nasa larawan, L-R: Emil B. Libres at Joven C. Pasiga). Photo by Ressie Fos

Kaugnay nito, matatandaang naunang natalakay sa pagitan ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) sa pamumuno ni UFOQ Chairman Henry Dimaano at ng Welfare and Outreach Committee Chair - Jerry Ronquillo at si Labor Attache David Des Dicang ng POLO Qatar, ang mga issues and concerns sa pagdodokyumento ng mga detalye ng mga sumbong o reklamo na idinudulog ng mga kababayan sa level ng community organizations, upang mas mapadali at maginig systematic umano ang pagmomonitor sa mga kababayang may kinakaharap na problema. Isa ito sa pangunahing dahilan kung bakit mas minabuti ng BMKQ na mag develop ng isang online application upang e database ang mga sumbong.

Sa pagtatapos ng programa, nanumpa din ang mga bagong myembro ng BMKQ at nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa susunod na paralegal training program at leadership training na gaganapin ng BMKQ ngayong buwan ng Pebrero. 

Ang BMKQ ang syang lead-organization ng UFOQ para sa paralegal assistance and training program - isang komite sa UFOQ Council 2017-2018 term.