Grocery items pinagkaloob sa 17 terminated Pinay cleaners

Written by Admin
  • Pinterest

Mga grocery items na pinagkaloob sa mga Pinay cleaners na walang trabaho handog mula sa programang Bayanihan sa Pagmamahal at Malasakit sa KapwaMga grocery items na pinagkaloob sa mga Pinay cleaners na walang trabaho handog mula sa programang Bayanihan sa Pagmamahal at Malasakit sa Kapwa

Namigay ng mga grocery items ngayong hapon para sa labimpitong (17) Pinay cleaners na natanggal at kasalukuyang walang trabaho ang Bayanihan movement sa ilalim ng programang 'Bayanihan sa Pagmamahal at Malasakit sa Kapwa' - isang programang naglalayong magbigay ng tulong sa mga hindi pinalad o distressed OFWs na kasalukuyang wala sa shelter ng POLO Qatar. Ang programang ito ay nasa ilalim rin ng UFOQ Welfare and Outreach Committee at Logistics Committee sa pangunguna ni Mr. Jerry Ronquillo at Mr. Aries Tacderas (respectively). Kasama ring nagpapasimuno si Mr. Joven Pasiga - Pangulo ng grupong Brethren na kasapi sa Bayanihan movement at focal person ng Bayanihan para sa nasabing proyekto.

Ilan sa mga Pinay cleaners na nabigyan ng mga grocery items. Ilan sa mga Pinay cleaners na nabigyan ng mga grocery items.

Ang pagpapaabot ng tulong sa mga distressed OFWs hindi lamang para sa mga nasa pansamantalang pangangalaga ng POLO kundi pati iyong mga nasa labas, ay bahagi ng expansion ng welfare and outreach programs ng UFOQ sa pakikipagtulungan ng iba't ibang organisasyon sa ilalim nito. Matatandaang may existing Send Someone Home program ang UFOQ na naglalayong magbigay ng plane ticket para sa mga distressed OFWs na nasa shelter ng POLO, na kasamang na expand para sumaklaw sa mga OFWs na nasa labas ng shelter. 

Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng UFOQ at sumasaklaw na mga committees, Brethren Qatar at ang buong Bayanihan movement sa mga kasapi ng mga organisasyong nagpaabot ng kanilang tulong.

Mabuhay po kayong lahat!