Buklod, namigay ng regalo sa mga distressed OFWs

Written by Admin
  • Pinterest

Photo by Marnie T. Alvarez - BuklodPhoto by Marnie T. Alvarez - Buklod

Nagtipon ang mga opisyal at myembro ng Buklod nitong Biyernes ng hapon, Decemebr 8, 2017 sa shelter ng POLO - Qatar upang mamigay ng regalo sa mga distressed OFWs na pansamantalang nakatira sa nasabing shelter.

Ayon kay Ms. Marnie Alvarez, pangulo ng organisasyon, ang nasabing gift-giving ay taunang ginagawa ng Buklod, isa sa mga aktibong Filipino organizations sa Qatar na recognized ng Philippine Embassy. 

Maliban sa mga myembro ng Buklod, may iba ring kasapi sa Bayanihan movement ang nag-ambag para sa nasabing gift-giving. 

Samantala, hinikayat ni Ka Ressie Fos (adviser ng grupo) ang mga distressed OFWs na patuloy lang na manampalataya sa Diyos, dahil lahat umano naman sila ay makakaalpas sa kanilang pinagdadaanan at makakauwi. Aniya, lahat naman ng tao ay may mga pagsubok na pinagdadaanan, walang exempted, ang magandang balita nga lang, tinitiyak ng Diyos ang kalutasan ng mga suliraning ito. 

Dumalo din sa gift-giving si Mr. Jerry Ronquillo - Chairman ng UFOQ Welfare and Outreach Committee na nagbigay din ng mensahe upang pasalamatan at purihin ang Buklod sa kawang-gawa nito, at binigyan din ng inspirasyon ang mga distressed OFWs. 

Umabot sa 118 ang bilang ng mga distressed OFWs na nakatanggap ng regalo mula sa organisasyon.