'Bayanihan' tagumpay na nagdaos ng unang sportsfest

Written by Admin
  • Pinterest

Group photo ng mga kuponan at manlalaro na sumalli sa unang Bayanihan Sportsfest na ginanap sa Al Arab International Academy nitong Byernes (Nov 10, 2017). Photo: AFJQGroup photo ng mga kuponan at manlalaro na sumalli sa unang Bayanihan Sportsfest na ginanap sa Al Arab International Academy nitong Byernes (Nov 10, 2017). Photo: AFJQ

Punong-puno ng saya, pagkakaisa at pagkakapatiran ang kauna-unahang sportsfest na ginanap ng Bayanihan, isang cooperation na binubuo ng hindi bababa sa 30 Filipino organizations nitong nakaraang Byernes (November 10, 2017) sa Al Arab International Academy. Sinalihan ang nasabing palaro ng hindi bababa sa 25 organizations na bumuo ng apat (4) na kuponan (Red, Blue, Yellow, at White). 

Nagtagisan ng lakas at galing ang mga manlalaro para sa mga larong basketball (for men), Volleyball (mixed men and women) at laro ng lahi na halata namang enenjoy to the max ng bawat teams dahil hindi alintana ng mga ito ang init ng araw, kahit pa sa outdoor courts ginanap ang kompetisyon. 

Hindi rin mapigilan ang hiyawan sa kompetisyon ng cheer dance na talaga nga namang pinaghandaan ng bawat team. Nagmistula tuloy na pyesta sa bayan na napuno ng mga street dancers ang lugar. 

Itinanghal na champion ang kuponan ng Red Team sa larong Volleyball (men & women mixed), samantalang ang Blue Team naman ang nag-champion sa Basketball. Nanalo naman sa Cheer Dance competition ang Blue Team, samantalang ang Best Muse naman ay napunta sa Red Team. 

Ang mga organisasyon kasali sa mga kuponan ay ang mga sumusunod: 

Red Team

  1. Qatar Filipino Helping Hand (QFHH)
  2. Buklod ng Damayang Pilipino sa Qatar (Buklod)
  3. The Filipino Community (TFC)
  4. Selda Kinse
  5. Shuttle Buddies Qatar
  6. HERO Qatar

Yellow Team

  1. KAMPI
  2. Familia
  3. Filipino Fitness & Health in Qatar (FFHQ)
  4. Elite Group OFW Qatar
  5. Dessert Smasher
  6. BADDICTS

Blue Team

  1. Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksyon ng Qatar (BMKQ)
  2. Ang Munting Tambayan
  3. Qatar Fitness Squad
  4. OFW KABISIG Group in Qatar
  5. Flickers
  6. Gan Soo Do Qatar Oryx MMA
  7. Damayan

White Team

  1. Republika Supremo International Organization
  2. Kapatirang Pilipino United Social Organization (KAPUSO)
  3. Real Community Buddies
  4. Brethren
  5. World Safety Organization

Tinatayang umabot sa 400 ang bilang ng lahat ng indibidwal na dumalo at nakisaya sa nasabing event. 

Ang nasabing sportsfest ay sinuportahan ng POLO Qatar na syang sumagot sa bayad sa lugar. Pinangunahan ang pag-organisa ng nasabing sportsfest ng Bayanihan na sya ring tumatayong tagapangulo ng komite ng Welfare and Outreach ng UFOQ sa ilalim ng chairmanship ni Mr. Jerry Ronquillo, samantalang ang Republika Supremo sa pamumuno naman nina Mr. JC Castro (President) at Mr. Leocadio De Leon III na syang chairman ng organizing committee para sa nasabing sportsfest. 

Samantala, dinaluhan ang nasabing sportsfest ni LabAtt David Des Dicang ng POLO-Qatar, Ms. Leonila Robillos (Welfare Officer ng POLO-Qatar), UFOQ executive officials sa pangunguna ni UFOQ Chairman Henry Dimaano, mga opisyal at journalists ng AFJQ, UFOQ Advisers Ressie Fos at Noroden Abdulhamid. 

Inaasahan ng mga kasapi ng Bayanihan na mauulit ang sportsfest sa mas malaki o mataas na level. 

Bayanihan Sportsfest Photos