Vodafone Qatar sumuporta para sa Bayanihan

Written by Admin
  • Pinterest

Si Mr. Fahad Al Sairi, External Affairs Officer ng Vodafone Qatar, kasama ang mga lider ng ibat' ibang organisasyon na kumakatawan at bumubuo sa ginanap na Bayanihan initiative sa POLO shelter nitong hapon ng Setyembre 22, 2017.   Photo by Rlg Khriys SaacSi Mr. Fahad Al Sairi, External Affairs Officer ng Vodafone Qatar, kasama ang mga lider ng ibat' ibang organisasyon na kumakatawan at bumubuo sa ginanap na Bayanihan initiative sa POLO shelter nitong hapon ng Setyembre 22, 2017. Photo by Rlg Khriys Saac

Minsan pa ay maluwag na ipinagkaloob ng Vodafone Qatar and kanilang suporta para sa pag-aabot sa mga nangangailangang Filipino expats sa Qatar, sa pamamagitan ng pagbibigay ng 1000 hours airtime free calls para sa mga distressed Filipino expats na pangunahing benepesyaro ng Bayanihan initiative na ginanap sa POLO shelter, kahapon (September 22, 2017) ng hapon. Nabiyayaan nito ang mahigit na 80 Filipino expats (OFWs) na pansamantalang nasa pangangalaga ng POLO-OWWA. 

Ayon kay Mr. Mohammed Al Yami, Director of External Affairs, Vodafone Qatar, "Mahalaga sa Vodafone ang Filipino community, dahil marami sa aming mga customers ay mula sa Filipino community. Marami na ang mga Filipino events na sinuportahan ng Vodafone at kami ay masaya na matulungan ang mga Filipinos na makausap ang kanilang mga pamilya." (“The Filipino community, many of whom are our customers, are very important to Vodafone. We have proudly supported several Filipino community events and we are also happy to help connect community members with their family back home.”). Dagdag pa ni Mr. Mohammed Al Yami, bahagi umano ng kanilang Corporate Social Responsibility programs ang mga ganitong pakikipag-tulungan nila sa komunidad. 

Magugunita na ang Vodafone Qatar din ang syang Platinum sponsor ng UFOQ nitong nakaraang selebrasyon ng Philippine Independence Day sa Qatar. 

Ang Bayanihan initiative na ginanap kahapon ay una pa lang sa mga serye ng inisyatabong nakasalang ng mga organisasyong nagkaisa at bumuo ng ganitong inisyatibo upang pagsama-samahin ang kanilang mga resources at kakayahan sa pag-aabot sa mga kababayang nangangailangan. 

Related article: Bayanihan Initiative, handa na!