UFOQ 2017-2018 Council, sinimulan ng buoin

Written by Admin
  • Pinterest

UFOQ Chairman-elect Engr. Henry Dimaano. Photo by George V. Babiano (AFJQ)UFOQ Chairman-elect Engr. Henry Dimaano. Photo by George V. Babiano (AFJQ)Pinulong kagabi (September 21, 2017) sa HERO Headquarter ni UFOQ Chairman-elect Engr. Henry Dimaano ang mga organisasyong nasa ilalim ng umbrella organization - United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) upang simulang buoin ang kakatawan sa UFOQ 2017-2018 Council. Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng aabot sa limampung (50) Filipino community organizations/leaders. 

Sa inisyal na UFOQ Council organizational structure na prenesenta ni Chairman-elect Dimaano, makikitang komprehensibo ang mga komite at sektor na kakatawan sa bagong Konseho. 

Ilan sa mga dagdag na komite sa Konseho ay kinabibilangan ng Paralegal Advocacy and Training bilang dagdag sa dating Committee on Training and Advocacy na may saklaw sa pangkalahatang aspeto ng pagsasanay at adbokasiya, maliban sa partikular na paralegal na sa ngayon ay magiging pangunahing saklaw ng bagong komite. Kasama rin sa mga bagong sektor ang Performing Arts at Iglesia ni Cristo. Kapansin-pansin din na halos mga bagong organisasyon ang kakatawan sa bagong Konseho ng UFOQ.

Inaasahang sa September 28, 2017 ay manunumpa sa kanilang mga katungkulan ang mga bagong halal na UFOQ opisyal at mga myembro ng UFOQ Council para sa taong 2017-2018 kay Ambassador Alan L. Timbayan sa Embahada ng Pilipinas. Inaasahan din na magkakaroon ng innaugural session ang bagong UFOQ Council matapos ang kanilang panunumpa, kung saan inaasahan na ilalatag ni Chairman-elect Dimaano ang mga executive agenda nito. Simula October 1, 2017 naman opisyal na uupo sa kanilang mga position ang mga bagong halal na UFOQ officials.

Ang UFOQ Council ay tumatayong policy-making body ng UFOQ, alinsunod sa umiiral na Constitution and By-Laws nito.