Bayanihan Initiative, handa na!

Written by Admin
  • Pinterest

Handa na ang mga organisasyon at grupong kasama sa 'Bayanihan' initiative sa unang collaborative project nito na naglalayong abutan ng iba't ibang tulong ang mga distressed OFWs na pansamantalang nasa pangangalaga ng POLO-OWWA. 

Layunin ng proyekto ang magbigay ng mga personal na gamit sa 82 OFWs at tatlong bata (6 monts - 1 year old), magbigay ng libreng BP check-up, free international call (sponsored by Vodafone Qatar), magpakain, at magkaroon ng fellowship, nang sa gayon maibsan ang lungkot at mabigat ng emosyon na pinagdadaanan ng distressed OFWs. 

Kasama sa mga organisasyon at grupo na nasa likod ng nasabing Bayanihan initiative ay ang mga sumusunod: BMKQ, QPHH, BADDICTS, ELITE, KAMPI, SELDA 15, FAMILIA, KAPUSO, TFC, Qatar Fitness Squad, OFW KABISIG, Republika Supremo, Real Community Buddies, Shuttle Buddies, Flickers, HERO, Brethren, Munting Tambayan, BBFQ, World Safety Organization, at Looney Goons. Maliban sa mga organisasyon at grupong ito, may ilan ring mga indibidwal ang nagpaabot ng tulong at ambag para sa nasabing programa. 

Bilang suporta sa nasabing outreach program, nagbigay ang Vodafone Qatar ng libreng credits para sa international call upang bigyan ng libreng tawag ang 82 distressed OFWs. Bahagi ang suporta ng Vodafone ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) programs para sa mga komunidad. Ayon kay Mr. Mohammed Al Yami, Director of External Affairs, Vodafone Qatar, “The Filipino community, many of whom are our customers, are very important to Vodafone. We have proudly supported several Filipino community events and we are also happy to help connect community members with their family back home.”

Ang nasabing Bayanihan initiative ay una pa lang sa mga serye ng collaborative programs ng mga nagkakaisang organisasyon, grupo at indibidwal upang maghatid ng tulong sa mga hindi pinalad na mga kababayan sa Qatar.