3rd Annual General Assembly ng BMKQ ginanap

Written by Admin
  • Pinterest

BMKQ 3rd Annual General Assembly na ginanap sa Sapphire Plaza Hotel nitong nakaraang Biyernes, August 4, 2017.BMKQ 3rd Annual General Assembly na ginanap sa Sapphire Plaza Hotel nitong nakaraang Biyernes, August 4, 2017.

Ginanap nitong nakaraang Biyernes (August 4, 2017) sa Sapphire Plaza Hotel ang pangatlong Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ng Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksyon ng Qatar (BMKQ). Ang BMKQ ay isa sa mga Filipino community organizations na recognized ng Philippine Embassy sa Qatar at nasa ilalim ng umbrella ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ). Ang BMKQ ay isa sa mga pangunahing organisasyong nagbibigay ng serbisyo at programa para sa mga manggagawang Pilipino sa konstruksyon sektor dito sa bansang Qatar.

Nanunumpa ang mga bagong kasapi ng BMKQ sa harapan ni UFOQ Chairman at bagong halal na BMKQ Chairman - Engr. Ressie Fos, bilang bahagi ng programa sa 3rd General Assembly ng organisasyon. Nanunumpa ang mga bagong kasapi ng BMKQ sa harapan ni UFOQ Chairman at bagong halal na BMKQ Chairman - Engr. Ressie Fos, bilang bahagi ng programa sa 3rd General Assembly ng organisasyon.

Ang nasabing kapulungan ay nagtampok sa mga sumusunod na programa - Pagpapakilala sa BMKQ ni Mr. Marco Ferrer (BMKQ Adviser); Annual President's Report ng dating BMKQ President na si Mr. Alan Bulan (on his behalf ay binasa ni Mr. Joseph Catarungan ang kanyang ulat); Refresher on Qatar Labor Law and Residency Law ni Mr. Ressie Fos; Election ng mga bagong mga opisyal; Oath-taking ng mga bagong kasapi. Sa sideline naman ay nagkaroon ng Paralegal Help Desk si Mr. Henry Dimaano (BMKQ Adviser) upang tugunan ang mga katanungan ng mga kasapi.

Sa maikling mensahe ni Labor Attache David Des Dicang na syang panauhing tagapagsalita, nagbigay sya ng updates sa mga kasalukuyang programa ng POLO-OWWA at ang mga interventions ng naturang tanggapan sa mga kaso ng mga manggagawa sa konstruksyon sektor. Pinapurihan din nya ang BMKQ dahil sa pagiging aktibo nito sa pag-abot at pagbigay ng mga serbisyo at tulong sa mga OFWs na nasa konstruksyon sektor. 

Nagbibigay ng maikling mensahe si Labor Attache David Des Dicang ng POLO-Qatar sa mga kasapi ng BMKQ bilang panauhing tagapagsalita sa ginanap na 3rd General Assembly ng BMKQ sa Sapphire Plaza Hotel nitong nakaraang Biyernes (August 4, 2017)Nagbibigay ng maikling mensahe si Labor Attache David Des Dicang ng POLO-Qatar sa mga kasapi ng BMKQ bilang panauhing tagapagsalita sa ginanap na 3rd General Assembly ng BMKQ sa Sapphire Plaza Hotel nitong nakaraang Biyernes (August 4, 2017)

Samantala, sa maikling mensahe naman ni Mr. Ressie Fos, ang bagong halal na Pangulo ng BMKQ para sa taong 2017-2018, hinikayat nya ang mga kasapi na mag-imbita pa ng mga sasapi sa organisasyon, upang mas marami pa umano ang makatanggap ng serbisyo at tulong mula sa organisasyon. Matatandaang si Mr. Fos ay naglimbag ng libro "Patnubay Para sa mga OFWs sa Qatar"sa ilalim ng BMKQ, kung saan mga manggagawa umano sa konstruksyon sektor ang talagang target nito. Dagdag pa ni Fos, mas paiigtingin umano ng BMKQ ang pagbibigay ng legal na tulong sa mga kasapi nito, at pagbibigay ng mga kaalamang patunkol sa mga karapatan ng mga Pilipinong manggagawa. 

Mga bagong halal na opisyal ng BMKQ para sa taong 2017-2018 kasama ang mga advisers. From left to right: Marco Ferrer (Adviser); Jovs Pabatao (Business Manager), Anthony Laquihon (PRO), Jovanie Cario (Auditor), Anneza Ali (Treasurer), Grace Morales (Secretary), Joseph Catarungan (Vice-President), Ressie Fos (President) and Henry Dimaano (Adviser)Mga bagong halal na opisyal ng BMKQ para sa taong 2017-2018 kasama ang mga advisers. From left to right: Marco Ferrer (Adviser); Jovs Pabatao (Business Manager), Anthony Laquihon (PRO), Jovanie Cario (Auditor), Anneza Ali (Treasurer), Grace Morales (Secretary), Joseph Catarungan (Vice-President), Ressie Fos (President) and Henry Dimaano (Adviser)