Bayanihan para sa mga nasunugan

Written by Admin
  • Pinterest

Tinanggap ng mga kababayang naapektuhan ng sunog sa kanilang labor camp ang mga tulong na ibinahagi ng ilang mga Filipino organizations sa qatar. Kuha ni Mr. Arkan PabataoTinanggap ng mga kababayang naapektuhan ng sunog sa kanilang labor camp ang mga tulong na ibinahagi ng ilang mga Filipino organizations sa qatar. Kuha ni Mr. Arkan Pabatao

Noong nakaraang linggo ay panibagong insidente ng sunog ang nangyari sa Al Shahaniya Labor Camp, kung saan napagalaman sa ulat ng POLO na may tatlo umanong kwarto ang nasunog. Bagamat walang naiulat na nasaktan at wala ring mga Pilipinong direktang naapektuhan dahil sa ibang nasyonal ang nakatira sa mga nasunog na kwarto, nagbayanihan pa rin ang ilang organisasyon upang tulungan ang ilang mga kababayan na kahit papaano ay apektado rin sa nangyaring sunog. 

Ang mga organisasyon nakibahagi sa nasabing bayanihan ay kinabibilangan ng mga sumusunod: FW Kabida, Republika Supremo, Real Community Buddies - RCB, The Filipino Community- TFC, Overseas Breathren, Famillia, KAMPI, OFW Kabisig Group, KAPUSO Group, QPHH Helping Hand, PBFQ, BKK, at FFQ. Mga basic food supplies ang ipinagkaloob ng nasabing mga grupo para sa labin-isang kababayan na apektado ng sunog. 

Mga opisyal at kasapi ng mga orgnisasyong nagbayanihan para tulungan ang mga kababayang apektado ng sunog. Kuha ni JC Pascual. Mga opisyal at kasapi ng mga orgnisasyong nagbayanihan para tulungan ang mga kababayang apektado ng sunog. Kuha ni JC Pascual.

Hindi naman naging mahirap para sa grupo ang pagpapaabot ng tulong dahil ang kanilang bayanihan ay coordinated sa POLO, na syang ring nakipag-ugnayan sa kumpanya para sa paghahatid at pamamahagi ng kanilang tulong. 

Natutuwa naman si UFOQ Chairman Ressie Fos sa bayanihan ng nasabing grupo. Aniya, ito ay isang mabuting halimbawa na dapat tularan ng iba pang mga organisasyon at indibidwal, bilang isa sa mga katangian ng mga Pinoy na ating maipagmamalaki - ang pagiging matulungin sa kapwa at mga nangangailangan.