Bukluran, muling umarangkada

Written by Admin
  • Pinterest

Nagsasalita si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa mga OFWs na dumalo sa ginawang 7th Bukluran ng FFLMW at OFIE-M Qatar sa CCC Semaisma Camp nitong araw ng Biyernes (July 21, 2017). Kuha ni Mr. Arkan Pabatao.Nagsasalita si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa mga OFWs na dumalo sa ginawang 7th Bukluran ng FFLMW at OFIE-M Qatar sa CCC Semaisma Camp nitong araw ng Biyernes (July 21, 2017). Kuha ni Mr. Arkan Pabatao.

Muling nagsagawa ang Foundation for Family and Life-Migrant Workers Qatar kasama ang Overseas Filipino Investors and Entrepreneurs Movement (OIFE-M) Qatar ng 'Bukluran' - ika-pitong pagsasagawa ng Bukluran na may temang, "Ang Pagtutulungan ay Katagumpayan". Ginanap ito sa CCC Simaisma Camp nitong nakaraang Biyernes, July 21, 017.

Ginanap ang nasabing bukluran sa pakikipagtulungan at ugnayan ng Embahada ng Pilipinas, POLO-OWWA at ng United FIlipino Organizations in Qatar (UFOQ).

Ang 'Bukluran' ay isang programa na naglalayong dalhin ang mga pinagsama-samang serbisyo ng Embahada kasama ang mga attached agencies nito, POLO-OWWA, at mga Filipino Community organizations sa mga remote areas katulad ng mga labor camps. Isa itong magandang pagkakataon para sa mga OFWs na nasa malayong lugar na maka-avail ng mga programa at serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga civic organiations nang hindi na kailangang bumaba sa Doha. 

Dinaluhan ang Bukluran ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, Consul General Atty. Roussel Reyes, at Philippine Labor Attache to Qatar Hon. David Des Dicang. Kasama rin sa Bukluran sina Mr. Ed Alcantara - Chairman of UFOQ Training and Advocacy Committee at Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare and Outreach Committee.

Mahigit naman sa isang daang mga kababayan ang nabigyan ng serbisyo mula sa OWWA, consular services ng Philippine Embassy, SSS, Pag-Ibig, pagsasanay, maging ang OFW Database online registration.