Filipino Fashion Designers of Qatar (FFDQ), isa sa mga nasa likod ng tagumpay ng PIDC 2017

Written by Admin
  • Pinterest

Photo by: AFJQPhoto by: AFJQ

Isa sa mga organisasyon o mga taong nasa likod ng tagumpay ng PIDC 2017 ay ang Filipino Fashion Designers of Qatar (FFDQ). Ang FFDQ, sa pamumuno ni Mr. Mon Sarmiento, ang s'yang nangasiwa sa Lakan at Lakambini ng Kalayaan 2017 - isa sa pinaka 'highlights' at nagbigay ng bagong mukha sa PIDC. 

Matatandaang sinubukang maugnay na rin ang FFDQ sa PIDC sa mga nakaraang selebrasyon, subalit iba ang level ng partisipasyon na ibinigay sa grupong ito sa ngayon. 

Ayon nga kay Mon Sarmiento, hindi umano magdadalawang isip ang kanilang organisasyong makipagtulungan sa UFOQ lalo pa't nakikita nilang seryoso ito na pagandahin pa ang mukha ng selebrasyon, at higit sa lahat collaborated ito sa Kulinarya Qatar (KQ) na subok ng maayos mamalakad ng mga malalaking events. 

Ayon naman kay Mr. Ressie Fos, Chairman ng UFOQ, panahon na upang kilalanin at bigyan ng puwang ang mga organisasyong katulad ng FFDQ na makilala at maipakita ang halaga ng kanilang kontribusyon hindi lamang sa kanilang industriya kundi higit sa Filipino community. Paraan umano ito upang maiangat ang antas at pagkilala hindi lang nga mga kapwa Filipino kundi maging ibang nasyonal sa kanilang mga kakayahan sa larangan ng fashion design at pagoorganisa ng mga pageantry. 

Si Mon Sarmiento ang Director ng matagumpay na Lakan at Lakambini ng Kalayaan 2017. Kasama rin nya ang iba pang kasapi ng FFDQ na nagdesinyo sa mga kasuotan ng bawat kandidato/kandidata ng Lakan at Lakambini. Samantala, ang WEGO Qatar naman ang nagsilbing tabulator sa naturang pageant. 

Inaasahan na ang Lakan at Lakambini ng Kalayaan 2017 ay magiging permanenteng bahagi ng taunang selebrasyon ng Philippine Independence Day sa Qatar, at ang mga tatanghaling Lakan at Lakambini ay magiging UFOQ Tourism Ambassadors.

Sa FFDQ at buong kasapian nito, maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayo!