Family Income Management Seminar Batch 1, tagumpay

Written by Admin
  • Pinterest

Group photo ng mga participants, UFOQ officers at mga resource speakers mula sa Pinoy Wise Movement sa ginanap na Family Income Management Seminar - Batch 1 sa Inihaw Republik nitong Biyernes, May 12, 2017.  | Photo by AFJQ.Group photo ng mga participants, UFOQ officers at mga resource speakers mula sa Pinoy Wise Movement sa ginanap na Family Income Management Seminar - Batch 1 sa Inihaw Republik nitong Biyernes, May 12, 2017. | Photo by AFJQ.

Tagumpay na ginanap ang Family Income Management Seminar - Batch 1 na inorganisa ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) sa pangunguna ng Training & Advocacy Committee sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Ed Alcantara nitong nakaraang Biyernes, May 12, 2017 sa Inihaw Republik. Dinaluhan ang nasabing seminar ng 30 participants mula sa iba't ibang organisasyon at sektor. 

Mga compressed modules ang tinalakay sa nasabing seminar ng mga bihasang resource speakers mula sa PinoyWise Movement upang pagkasyahin sa loob lamang ng halos limang (5) oras na kinabibilangan ng mga sumusunod: 1) Duality of Migration; 2) Achieving Goals of Migration (Workshop Dream Map); 3) Concepts on Saving, Investing & Retiring; 4) Workshops on - Budgetting & Tracking Expenses, Saving for Investment, Saving for Retirement; 5) Borrowing; 6) Getting out of Debt; and 7) Issues confronting Overseas Filipinos and their Families and Addressing Barriers to Reintegration.

Ang serye ng mga seminars tungkol sa Financial Literacy ay bahagi ng mga pangunahing programa at proyekto na pinapatupad ng kasalukyang UFOQ administrasyon. Inaasahan na may mga susunod pang batches ng katulad o mas mataas pang antas ng financial literacy seminar na oorganisashin ng UFOQ sa pangunguna ng Training & Advocacy Committee nito. 

Ang Inihaw Republik ay kabahagi din sa pagpapatupad ng nasabing seminar, bilang bahagi ng pagganap ng partnership nito sa UFOQ. 

Photos taken during the Family Income Management Seminar: