UFOQ-LBC Qatar Partnership, pormal ng ilulunsad

Written by Admin
  • Pinterest

Graphics Design by Pixxelsis Digital Media (www.pixxelsis.com)Graphics Design by Pixxelsis Digital Media (www.pixxelsis.com)

Opisyal na ilulunsad ngayong darating na May 15, 2017 ang UFOQ-LBC Qatar Partnership para sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong pakikinabangan at magbebenepisyo sa mga Overseas Filipinos sa bansang Qatar. Inaasahang pipirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng UFOQ at LBC Qatar upang pormal at opisyal na pagtibayin ang kanilang ugnayan.

Ang mga programa at proyektong may pakinabang sa mga OFWs sa Qatar ang syang pangunahing direksyon ng kasalukuyang UFOQ administration, samantalang bahagi naman ng Corporate Social Responsibility at pagbabalik ng pasasalamat ng LBC para sa mga tumatangkilik sa serbisyo nito ang mga pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang nasabing ugnayan. 

Maliban sa pirmahan ng MOA, itatampok din sa nasabing luanching ng UFOQ-LBC Qatar Partnership ang inaugauration ng opisina ng UFOQ at online radio studio para sa programang UFOQ-AFJQ Teleradio. Ang opisina (at studio) ay handog ng LBC Qatar bilang bahagi ng suporta nito sa UFOQ. 

Inaasahan na sa pamamagitan ng UFOQ-LBC Qatar partnership ay isusulong ang iba't ibang programa tulad ng financial literacy, outreach to distressed OFWs and community, medical mission, labor camp visits, paralegal clinic, sports feast, training and advocacy, bukluran (one-stop-shop services tulad ng Philippne Embassy consular services, POLO-OWWA, SSS, Pag-Ibig, Paralegal Clinic, etc) at ang regular na pagsasahimpapawid ng UFOQ-AFJQ Teleradio.