JAPA, nagbigay ng tulong para sa mga proyekto ng UFOQ

Written by Admin
  • Pinterest

(From L-R) Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare & Outreach Committee; Mr. Ressie Fos - UFOQ Chairman, Mr. Jerry Dee - JAPA Owner/Manager; Ms. Aisha Al Baker - UFOQ Treasurer, at Ms. Jeanette Gotangogan - UFOQ Ways & Means Committee Chairperson(From L-R) Mr. Arkan Pabatao - Chairman of UFOQ Welfare & Outreach Committee; Mr. Ressie Fos - UFOQ Chairman, Mr. Jerry Dee - JAPA Owner/Manager; Ms. Aisha Al Baker - UFOQ Treasurer, at Ms. Jeanette Gotangogan - UFOQ Ways & Means Committee Chairperson

Kaugnay ng pagbukas ng JAPA Global Trading - Qatar Branch nitong April 28, 2017 sa kanilang bagong shop sa Bin Mahmoud, nagbigay rin ng tulong para sa programang Send Someone Home at iba pang proyekto ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) ang may-ari at manager nito na si Mr. Jerry Dee kanina ng hapon.

Personal na inabot ni Mr. Jerry ang kanyang tulong para sa mga proyekto ng UFOQ kay UFOQ Treasurer Aisha Al Baker at Ways and Means Committee Chairperson - Jeanette Gotangogan, na sinaksihan naman nina UFOQ Chairman Ressie Fos at UFOQ Welfare and Outreach Committee Chairman - Arkan Pabatao.

Lubos namang pinasalamatan ng mga opisyal ng UFOQ si Mr. Jerry sa suporta nito sa umbrella organization. Tiniyak naman ng mga opisyal na anumang tulong at suporta sa UFOQ ay tiyak na makakaabot sa mga dapat na magbebenepisyo nito. 

Ang JAPA Global Trading, o mas kilala sa tawag na JAPA ay kilalang gumagawa at nag-iimprinta ng mga kalidad na sports uniform sa murang halaga lamang. Dahil opisyal na silang nagbukas ng kanilang negosyo, maaari na silang kontakin para sa mga magpapagawa ng mga sports uniform. 

Para sa mga karagdagan pang impormayson, maaaring bisitahin ang kanilang facebook page sa link sa ibaba.