3rd Quarterly General Assembly ng mga Filipino community organizations sa Qatar, ginanap

Written by Admin
  • Pinterest

Si Philippine ambassador to Qatar - Ambassador Alan L. Timbayan habang nagbibigay ng mensahe para sa mga Filipino community leaders na dumalo sa 3rd Quarterly General Assembly ng UFOQ na ginanap sa Philippine Embassy, ngayong hapon (April 28, 2017) | Photo by AFJQSi Philippine ambassador to Qatar - Ambassador Alan L. Timbayan habang nagbibigay ng mensahe para sa mga Filipino community leaders na dumalo sa 3rd Quarterly General Assembly ng UFOQ na ginanap sa Philippine Embassy, ngayong hapon (April 28, 2017) | Photo by AFJQ

Ginanap ngayong hapon (April 28, 2017) sa Philippine Embassy ang 3rd Quarterly General Assembly na pinatawag at pinamunuan ng United Filipino Organizations in Qatar (UFOQ) - umbrella organization ng Filipino community sa Qatar. Ang general assembly ay regular na ginaganap kada quarter ng UFOQ upang mag-ulat tungkol sa mga status ng mga programa at proyekto nito at upang talakayin ang iba pang isyu na kinakaharap nito maging ng mga kasaping organisasyon.

Sa unang pagkakataon ay humarap at nagbigay ng mensahe ang bagong ambasador ng Pilipinas sa Qatar - Ambassador Alan Timbayan sa pangkalahatang kasapian ng UFOQ. Sa maikli at direktang mensahe ng Ambassador, nagpasalamat siya sa Filipino community organizations sa pagkakaisa at pakikipatulungan nito sa nakalipas na PRRD's State Visit sa Qatar, kasama ang matagumpay na Community Meeting sa Lusail Sports Arena. Siniguro din ng bagong ambasador ang suporta at pakikiisa ng embahada sa UFOQ at mag kasaping organisasyon nito, para sa mga programang ipinapatupad na may pakinabang sa Filipino community at sa pamahalaan ng Pilipinas sa pangkalahatan. 

Nagbigay din ng maikling ulat si UFOQ Chairman Ressie Fos na pangunahing tumalakay sa mga flagship programs ng UFOQ tulad na lamang ng Send Someone Home program na nakapagpauwi na ng 14 distressed OFWs, at kaya pa umanong magpauwi ng mahigit 20, base sa pundo nito mula sa iba't ibang benefactors. Pinasalamatan din ni Chairman Fos ang mga community lider para sa pakikipagtulungan at suporta ng mga ito sa mga naunang inisyatibo ng organisasyon, tulad na lamang ng assistance campaign para sa mga biktima ng sunog sa Shahaneya labor camp kamakailan. Binigyang diin din ni Chairman Fos ang tagumpay ng pagkakaisa at suporta ng mga liders at volunteers para sa matagumpay na FIlipino community meeting ni Pangulong Duterte kamakailan. Ibinahagi rin ni Chairman Fos ang plano ng UFOQ CBL Amendment Committee na magkaroon ng Charter Change para baguhin ang organisasyonal na istraktura ng UFOQ. Maliban umano sa mga elected executive officers, ang UFOQ Council sectoral representatives ay kinakailangan din umanong iboto at kasama sa election - maaari umanong tawagin silang mga Councilor. Ang pagbabago sa konstitusyon ng UFOQ ay magkakabisa sa susunod na taon, kapag ito ay maaprobahan ng General Assembly, ayon sa panuntunan ng pag-aamyenda ng saligang batas ng UFOQ.

Tiniyak din ni Chairman Fos na katulad sa mga nakaraang quarter, magbibigay ng detalyadong report ang UFOQ at ipapadala ito sa lahat ng mga aktibong organisasyon na kasapi sa umbrella organization. 

Si UFOQ Chairman Ressie Fos habang nagbibigay ng ulat tungkol sa status ng mga programa at proyekto ng UFOQ. | Photo by AFJQSi UFOQ Chairman Ressie Fos habang nagbibigay ng ulat tungkol sa status ng mga programa at proyekto ng UFOQ. | Photo by AFJQ

Samantala, nag-ulat naman si UFOQ Secretary Ailyn Agonia tungkol sa financial status ng UFOQ on behalf ni UFOQ Treasurer Aisha Al Baker na nasa ibang meeting. Ayon kay Sec. Agonia, very chalenging sa liderato ng UFOQ na magsimula ng wala man lang isang riyal para sa mga gastusin nito, subalit sa ngayon umano ay may balanseng pundo pa ito para sa pagpapatupad ng mga priority programs ng organisasyon. 

Malinaw din sa financial report ng UFOQ na naging matipid ito sa mga gastusin, tulad na lamang halimbawa ng nagastos ng UFOQ para sa PIDC17 meetings na umaabot lamang sa ngayon ng mahigit QR300 kumpara sa mga naging gastos sa nakaraang mga UFOQ administrasyon. 

Samantala, mas malaking bahagi ng pagpupulong kanina ang pagtalakay sa plano tungkol sa padating na PIDC17. Sa paunang ulat ni Sec. Agonia, sinabi nitong hindi umano natuloy ang PIDC17 event management na naunang naibigay sa Vasco dahil sa mga kontrakwal at technical na isyu, kung kaya't nagkasundo umano ang dalawang partido na hindi na lamang ituloy ang nasabing partnership. Dahil dito, nagdesisyon ang UFOQ na makipag-ugnayan sa Kulinarya Qatar para sa nasabing taunang selebrasyon. 

Tinalakay naman ni Ms. Irene Atienza ng Kulinarya Qatar ang mga programang magaganap sa PIDC17. Ang mga pagkakaiba umano ng PIDC17 sa mga naunang selebrasyon ay tatlong araw itong gagawin, hindi lang mga entertainment kundi mga serbisyo tulad ng seminar, medical mission, consular services ng embassy, regional exhibits at iba pa. Binigyang diin din ni Ms. Irene ang isa sa mga pangunahing programa ng PIDC17 - ang Lakan at Lakambini ng Kalayaan 2017. Hangad ng UFOQ na gawing matipid ang paggastos para sa nasabing selebrasyon at iwasan ang mga maluhong gastusin upang hindi umano maabuso ang anumang pundo na malilikom mula sa mga sponsors nito kundi mapunta ito sa mga programa ng UFOQ na mas may pakinabang ang Filipino community, pag-suporta sa embahada at opisina ng POLO, at pagkakaroong ng iba't ibang outreach programs hindi lang dito sa Qatar kundi maging sa Pilipinas. 

Tinatalakay ni Ms. Irene Atienza ng Kulinarya Qatar ang mga maaasahang bahagi ng programa sa darating na tatlong araw na selebrasyon ng Philippine Independence Day sa June 26-28, 2017 na gaganapin sa City Center Rotana DohaTinatalakay ni Ms. Irene Atienza ng Kulinarya Qatar ang mga maaasahang bahagi ng programa sa darating na tatlong araw na selebrasyon ng Philippine Independence Day sa June 26-28, 2017 na gaganapin sa City Center Rotana Doha

Sa huling bahagi ng general assembly ay nagkaroon ng maikling seremonya para sa selebrasyon ng Labor Day na pinangunahan ni LabAtt David Des Dicang ng POLO-Qatar. Maliban sa mensahe ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na binasa ni LabAtt Dicang, nagbigay din ito ng mga udpates at ilang mga katanungan tungkol sa mga programa at isyu na ginaganap at kinakaharap ng POLO. Nagbahagi naman ng isang temang awitin ang Maharlikan choir. 

Tinatalakay ni LabAtt David Des Dicang ang mga updates sa mga programa at serbisyo ng POLO. Samatala, kaugnay sa seremonya sa pagdiwang ng Labor Day, binasa nya ang mensahe ni DOLE Secretary Silvestre Bello III. Tinatalakay ni LabAtt David Des Dicang ang mga updates sa mga programa at serbisyo ng POLO. Samatala, kaugnay sa seremonya sa pagdiwang ng Labor Day, binasa nya ang mensahe ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Natapos ang general assembly bandang alas 3:00 ng hapon. Sa huling bahagi nito ay muling pinasalamatan ni Chairman Fos ang lahat ng mga dumalo, at tiniyak na bukas ang UFOQ sa anumang ugnayan at tulungan ng mga organisasyong kasapi nito.