UFOQ-Ferrand Scholarship Grant, nagpapatuloy

Written by Admin
  • Pinterest

Sa bisa ng ugnayan ng UFOQ at Ferrand Qatar, patuloy na magbibigay ng scholarship ang UFOQ para sa mga mag-aaral o magsasanay ng mga basic courses na binibigay ng Ferrand Qatar, para sa Batch 3 na magsisimula ngayong May 12, 2017. 

Kamakailan lamang ay nagtapos ang mahigit dalawang daang OFWs sa Batch 2 ng mga nagsanay sa Ferrand sa ilalim ng Filipino at International Skills Training Program nito. Dahil sa kalidad ng mga pagsasanay at pagtuturong ginagawa, hindi lamang mga OFWs ang nagkaroon ng interes na mag-aral o magsanay kundi maging ibang mga working expats dito sa Qatar. 

Para sa mga OFWs na nais mag-avail ng scholarship program para kalahati lamang ng tuition fee ang ibabayad, kailangan umano nilang mag-fill-up ng UFOQ Scholarship Form kasabay ng pag-enroll sa Ferrand sa mga itinakdang araw ng enrollment. Ito ang pahayag ni UFOQ Chairman - Engr. Ressie Fos. Ayon pa kay Engr. Fos, pangunahing programa umano ng UFOQ sa ilalim ng kanyang termino ang mapalakas ang hanay ng mga overseas Filipinos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay at adbokasiya nang maging competitive umano ang mga kababayan sa larangan ng kani-kanilang mga trabaho. Higit na kailangan umano ito ng mga OFWs lalo na sa panahon ngayon na marami ang kaso ng mga tanggalan sa trabaho. 

Ayon naman kay Ms. Shella Vitto - Country Manager ng Ferrand International sa Qatar, mas pinapataas umano ng Ferrand ang kalidad ng mga pagsasanay, hindi lamang sa mga pasilidad nito kundi higit sa kalidad ng pagtuturo at kwalipikasyon ng mga tagapagsanay. Tinitiyak umano ito ng Ferrand dahil ito ay nasa ilalim ng awtoridad at monitoring bilang lisensyadong training center ng Ministry of Education and Higher Education. 

Pinag-iingat din ni Ms. Vitto ang mga kababayan sa mga maaaring nagsasagawa ng katulad ng pagsasanay na hindi naman umano lisensyado ng Ministry of Education and Higher Education, dahil ito ay maaaring maging scam lamang at masayang lamang ang pinagpagurang pera ng mga kababayan. 

Para sa mga nais mag-avail ng scholarship at mag-enroll, narito ang schedule ng mga kurso.