Tagumpay ng PRRD's Meeting with Filcom in Doha, dahil sa pagkakaisa at tulungan ng bawa't isa

Written by Admin
  • Pinterest

 

Sa ngalan ng UFOQ Executive Officers and Council, sumasaludo po kami sa lahat ng mga Volunteers at Medical Team from Hamad at Qatar Red Crescent na mahusay na ginampanan ang kani-kanilang mga assignments na may halong sakripisyo at sumunod sa panuntunan ng crowd control and contingency plan na naging daan para maging matagumpay ang pag gather at control ng mga tao para sa Meeting with the Filipino Community in Qatar ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon sa Lusail Multipurpose Hall. Karangalan po namin sa UFOQ na makatrabaho kayo.

Sa mga dumalo doon, maraming maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kitang-kita po namin ang inyong tyaga at pagtiis na pumila at maghintay, kahit pa sa init ng araw, bilang pagpapakita ng suporta sa ating PRRD, lahat po tayo ay naghintay, nagtyaga at nainitan. Ang proseso po natin sa gate check-in at walk-ins profiling ay bahagi ng aming crowd control and contingency plan upang tiyakin na maging maayos ang event, at hindi magsobra-sobra ang tao sa tamang capacity ng venue na maaaring maging sanhi ng anumang aksidente, sa kabila ng katotohanan na part ng aming plan na papasukin lahat ng pupunta dun para lahat ay maging masaya. Our apology, if di namin po ito sinabi ng direkta in public dahil bahagi po ito ng contigency plan, otherwise kung ang alam ng public ay COME AND SIT ang tao dun, baka abutin po tau ng 20,000+ dun at ito'y isang malaking problema, lalong-lalo sa security at safety una ng Pangulo at nating lahat.

Kahit ako, si Ka Rovic Cruz at Joseph Odtohan Catarungan ay huli ng umakyat at 6:45PM na upang matiyak na lahat ay nakapasok na. Iniwan pa nga namin dun si Jaf - Aj AD na tunay na nagsakripisyo na kahit di na nya makita ang Pangulo ay mas piniling magpaiwan upang patuloy na pakiusapan ang mga pulis na hayaan lang na buksan ang gate para sa mga padating pa ring tao. Saludo ako sau Jaf. Ang pagbubukas ng gate lampas sa tinakdang oras na pagsasara nito ayon sa aming announcement ay bahagi pa rin ng aming contigency plan na HINDI na pedeng sabihin in public, otherwise, dudumugin ulit tau ng 20,000+ kung ibubulgar natin sa publiko ito at ito'y magiging isang malaking problema.

Our apology sa mga di nakapunta due to some miscommunication issues, while we believe we always have updated announcement sa UFOQ FB Group para e direct ang mga kababayan sa dapat tamang gagawin. Kung kami man ay may pagkukulang kami po ay humihingi ng pasensya. Kung di nyo man naupuan ang upuan na sana ay para sa iyo, tiyak naman natin na may iba ring naghirap para maupuan ito na katulad mong nagmamahal sa Pangulo.

At the end of the day, ang tanging gusto nating matiyak ay maging matagumpay ang event di lang sa mata nating mga Filipino kundi maging sa mata ng Qatar Government. For your info, nasalubong namin nong umakyat na kami ang Director ng APD ng MOCS na syang namamahala sa Lusail MPH at matagal po kaming nag-usap at sila po ay impressed sa ating ginawang pag organisa nitong event at hinihikayat pa tayong gamitin ang Lusail MPH sa mga future nating events.
Lahat ay masaya, hindi lamang yung mga nandoon kahapon kundi maging yung kahit wala, nang makita nilang punong-puno ang stadium habang pinapanood naman ng live ang kaganapan sa loob nito.

Sa ating mga Opisyal ng Embahada, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala, at patuloy na magadang partnership para sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga overseas Filipinos dito sa Qatar.

Ang Tagumpay sa kabuoan ng event na ito ay dahil sa maayos na pag-organisa ng ating Embhada. Congratulations po mga sirs and mams.

Hanggang sa susunod po nating event, parating na ang ating Philippine Independence Day Celebration, magkita-kita po tayo ulit. Ang tagumpay na ito ay TAGUMPAY NATING LAHAT. Marami pong salamat at mabuhay tayong lahat!

Ka Ressie
Chairman, UFOQ