UFOQ nag-donate ng mga aklat para sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)

Written by Admin
  • Pinterest

Pinapakita ni Dr. Lincoln Bautista ng PUP Sta. Mesa (2nd from right) at ni Ms. Jeanette Gotangogan ng UFOQ Ways & Means Committee, kasama ang iba pang staff ng PUP, ang Donation Form na pinirmahan sa pagitan ng UFOQ at PUP, pagkatapos maibigay ang mga donated books.  Pinapakita ni Dr. Lincoln Bautista ng PUP Sta. Mesa (2nd from right) at ni Ms. Jeanette Gotangogan ng UFOQ Ways & Means Committee, kasama ang iba pang staff ng PUP, ang Donation Form na pinirmahan sa pagitan ng UFOQ at PUP, pagkatapos maibigay ang mga donated books.

Tinanggap ngayong araw, April 6, 2017 ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila ang halos mahigit limang daan (500) piraso ng mga aklat na donasyon mula sa UFOQ. Ang mga aklat ay personal na dinala at inabot ni Ms. Jeanette Gotangogan - Chairperson ng UFOQ Ways and Means Committee kay Dr. Lincoln Bautista ng PUP - Dean, College of Science, PUP Manila. Inaasahang makikinabang ang libong estudyante ng PUP sa mga binigay na aklat. 

Ang mga aklat ay binigay para sa nasabing donasyon ni Mr. Jafar Abdulhamid, isang aktibong lider ng Filipino Muslim Community sa Qatar. Nilbre naman ng Coriner International Express & Services ang pagdala ng mga librong donasyon mula Qatar hanggang Manila, na parehong lubos na pinapasalamatan ng UFOQ.

Pinapasalamatan ng UFOQ ang mga taong nasa likod ng nasabing donasyon tulad nina Mr. Jafar Abdulhamid - aktibong lider ng Filipino Muslim community sa Qatar at si Mr. Dominador 'Bhoy' Purino, ng Coriner International Express Cargo & Services para sa libreng shipment ng mga donated books mula Qatar hanggang Maynila. Samantala, katulong naman ang UFOQ Ways and Means Committee at CBL committee sa pangunguna nina Ms. Jeanette Gotangogan at Mr. Goerge Babiano (respectively) sa pag inventory at pagkakahon ng mga aklat. Pinapasalamatan ng UFOQ ang mga taong nasa likod ng nasabing donasyon tulad nina Mr. Jafar Abdulhamid - aktibong lider ng Filipino Muslim community sa Qatar at si Mr. Dominador 'Bhoy' Purino, ng Coriner International Express Cargo & Services para sa libreng shipment ng mga donated books mula Qatar hanggang Maynila. Samantala, katulong naman ang UFOQ Ways and Means Committee at CBL committee sa pangunguna nina Ms. Jeanette Gotangogan at Mr. Goerge Babiano (respectively) sa pag inventory at pagkakahon ng mga aklat.

Inaasahan na may mga aklat pang ipapamigay ang UFOQ pero maaaring sa Philippine School Doha (PSD) at Philippine International School Qatar (PISQ) na lamang umano ang mga ito ibibigay. 

Ang nasabing donasyon ay bahagi ng programa ng UFOQ 2016-2017 na abutin ang mga kababayan sa Pilipinas. Inaasahan din ng pamunuan ng UFOQ na bago matapos ang kanilang termino ay mag-sponsor ito ng hindi bababa sa dalawa (2) schoolar, sa ilalim ng World Vision foundation, at makapag-ambag sa pagpapatayo ng classrooms sa mapipiling paaralan sa Pinas.