Community Festival sa Qatar, kasado na ngayong hapon

Written by Admin
  • Pinterest

Mga booth ng bawat bansang kalahok sa Qatar community festival mamayang 4:00 ng hapon hanggang 6:30 ng gabi sa Al Sadd Sports Club.Mga booth ng bawat bansang kalahok sa Qatar community festival mamayang 4:00 ng hapon hanggang 6:30 ng gabi sa Al Sadd Sports Club.

Kasado na ang Community Festival na inorganisa ng Supreme Committee for Delivery and Legacy (SC) at Qatar Football Association (QFA) kaugnay ng football final sa pagitan ng Qatar at Iran mamayang alas 7:00 ng gabi sa Al Sadd Sports Club.

Ang nasabing community festival ay lalahokan ng labindalawang (12) mga bansa na kinabibilangan ng Egypt, Nepal, India, Pakistan, Nigeria, Sri Lanka, Indonesia, Bangladesh, Philippines, Malaysia, Kenya at Gana.

Sari-saring mga cultural presentations ang nakahanda ng bawat bansa para sa community festival na mauunang magsimula mamayang 4:00 ng hapon at magtatapos ng 6:30 ng gabi. Samantala, ang itatanghal naman ng Filipino community ay isang musical na gagampanan ng mga kasapi ng Tanghalang Overseas Pinoy (TOPi). 

Maliban sa mga cultural presentations, ang bawat bansa ay may mga cuisine din na ipapakita na pwedeng bilhin, bilang bahagi na rin ng food tourism ng bawat bansa.