Makulay na Buhay sa Corniche

Written by Ressie Fos
  • Pinterest

Sa unang pagkakataon ay isang grupo ang nag-imbita sa akin upang daluhan ang kanilang isang simpleng pagtitipon sa Corniche, noong huling Biyernes ng Oktubre. Sila ang grupong 'Buklod ng Bayaning Pilipino - Qatar. Isang samahan na pinapatibay ng kanilang common experiences and interest. Higit sa lahat, samahan na nagsisilbing 'outlet' upang kahit papaano'y libangin ang sarili mula sa lungkot na dala ng malayo sa mga mahal sa buhay at mga hamon ng trabaho dito sa ibayong dagat. Karamihan sa kanila ay mga HSWs.

Grupo ng Buklod ng mga Bayaning Pilipino -Qatar.  Photo grabbed from Marnie Tres Reyes Alvarez FacebookGrupo ng Buklod ng mga Bayaning Pilipino -Qatar. Photo grabbed from Marnie Tres Reyes Alvarez Facebook

Habang binabaktas ko ang walkway ng Corniche mula sa parking area na halos medyo malayo na dahil sa dami ng mga sasakyang naka-park, nakita ko rin na marami pang mga Pinoy ang grupo-grupong naguumpukan sa mga damuhan. Sa tantiya ko, ang bilang ng mga Pinoys na naguumpukan, grupo-grupo sa Corniche, sa may bahaging malapit na sa Museum of Islamic Arts (MIA) ay aabot ng mahigit isang libo. Sa tantiya ko rin, nakararami sa kanila ay nagtatrabaho sa bahay at mga nasa konstruksyon. 

Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago? Naalala ko ang kasabihang ito matapos kong makahalubilo ang mga kababayan nating ito. Hindi sa trabaho nasusukat ang totoong pagkatao ng isang tao. Dahil sila mismo ay nagboluntaryong mag-alay ng kanilang suporta para sa programa ng UFOQ na 'Send Someone Home', nakalikom sila ng QR700.00 at personal na iniabot sa akin. 

Iniaabot ni 'Buklod' founding chairwoman na si Marnie Tres Reyes Alvarez ang kanilang tulong para sa programang 'Send Someone Home' kay UFOQ Chairman Ressie Fos sa kanilang pagtitipon noong Biyernes ng hapon, November 11, 2016 sa may Corniche. Kasama rin sa larawan sina Mr. Delfin Montenegro - TFC Correspondent at Chairman ng UFOQ Program and Events Committee at si Mr. Alan Bulan, BMKQ President at myembro ng UFOQ Committee on Welfare and OutreachIniaabot ni 'Buklod' founding chairwoman na si Marnie Tres Reyes Alvarez ang kanilang tulong para sa programang 'Send Someone Home' kay UFOQ Chairman Ressie Fos sa kanilang pagtitipon noong Biyernes ng hapon, November 11, 2016 sa may Corniche. Kasama rin sa larawan sina Mr. Delfin Montenegro - TFC Correspondent at Chairman ng UFOQ Program and Events Committee at si Mr. Alan Bulan, BMKQ President at myembro ng UFOQ Committee on Welfare and Outreach

Sa mga nauna kong pakikihalubilo sa kanila, nagbahagi ako ng mga impormasyong kaugnay sa mga updates ng Qatar Law No. 21 of 2015 at sumagot din sa kanilang mga katanungan patungkol sa kanilang trabaho at mga kinalalagyan. Pinoproseso na ng Buklod ang kanilang mga dokyumentong kakailanganin para sa aplikasyon para sa recognition ng Philippine Embassy. 

Samantala, ngayong Biyernes naman, isa pang grupo ang aking nakahalubilo, ang OFW-Qatar na sa aking pagtanto ay halos pareho ng Buklod ang komposisyon at mga adhikain ng organisasyon. Interesado ang OFW-Q na magsumite ng aplikasyon para sa recognition ng Philippine Embassy upang mas maging ganap ang kanilang pagsulong ng kanilang programa at ma dokyumento ng maayos ayos sa panuntunan ng UFOQ at ng Embahada. 

Grupo ng OFW-Qatar kasama sina UFOQ Chairman Ressie Fos at Mr. Delfin MontenegroGrupo ng OFW-Qatar kasama sina UFOQ Chairman Ressie Fos at Mr. Delfin Montenegro

Bago ako umuwi ng gabing iyon, itinatak ko na sa aking kalendaryo na lagi kong bibisitahin ang mga kababayan nating ito sa kahabaan ng Corniche, kada Biyernes ng hapon, sa tuwing sila'y may mga pagtitipon upang - pakinggan ang kanilang mga hinaing at tanong; magbahagi ng mga kaalaman at impormasyon na may kaugnayan sa mga panuntunan ng bansa, at mga paghahanda bilang mga overseas Filipinos o mga OFWs; at higit sa lahat, ang ipadama sa kanila na hindi sila hiwalay na parte ng Filipino community sa Qatar, bagkus sila ay mahalagang elemento ng ating komunidad. 

Sumasaludo po ako at humahanga sa Buklod, at iba pang mga grupong sa Corniche nagpapalipas ng makulay na buhay sa tuwing day-off (Biyernes). Kayo ay mga totoong bayani.