Undas Story: Multo sa Pasilyo

Written by Admin
  • Pinterest

November 1, maaga akong pumasok sa opisina, una dahil unang araw ng buwan at pangalawa marami akong mga dapat tapusing trabaho. 

Nilisan ko ang bahay sa Al Mansoura mga bandang 5:00 ng umaga, at palibhasa maaga pa mabilis kong narating ang opisina sa may Westbay area. Halos wala pang tao maliban sa isang gwardiya sa reception. 

Pagka park ko ng kotse, ay tuloy-tuloy akong pumasok sa entrance ng tower, at sumakay ng elevator. Habang papaakyat ang elevator ay nanindig ang aking balahibo. Tila iba ang aking pakiramdam. Bigla ko tuloy naisip na November 1 ngayong araw - piesta ng mga kaluluwa ika nga.. 

Paglabas ko ng elevator at nakakadalawang hakbang pa lang ako sa pasilyo, may naamoy akong amoy bulaklak. Lalo pang nanindig ang balahibo ko. Sa pang-apat kong hakbang mas lalong lumakas ang amoy. 

Mas lalo akong nakaramdam ng takot, sa simoy n rin ng hangin mula sa aircon sa pasilyo, may narinig akong parang nagsalita ng, 'pssssssttt....'..  Tumigil ako sa paglakad. Lumingon-lingon, nagbabakasali na baka may janitor na naunang pumasok para maglinis ng mga rooms. 

Hahakbang na sana ako ng marinig ko ulit ang 'pssstttt...' at matapos nun, mas lumakas pa ang amoy bulaklak na nalalanghap ko.  Sa puntong yun, lumingon na ako sa buong direksyon. 

Hanggang sa mapansin ko ang isang nakasabit sa dingding, sa may tapat ng elevator na parang apartus, ito pala ang bumubuga ng mabangong amoy, na may tunog na 'pssstt' habang bumubuga ito. Automatic air freshener pala ito. 

Akala ko naman ay minumulto na ang pasilyo.  

Ha ha ha! Pampa good vibes lang mga kabayan!  

Para sa mga impormasyon at balita sa Filipino community sa Qatar, ugaliing bumisita sa UFOQ official website - www.ufoq.org