Qatar Law No. 21 of 2015: Saklaw ba ng batas ang mga Household Services Workers?

Written by Ressie Fos
  • Pinterest

Dahil na rin sa ibang nababasa natin sa social media kaugnay sa batas na ito na tila misleading, tulad na lamang halimbawa na paulit-ulit na pagtawag sa batas na ito na new labor law, marami tuloy sa ating mga kababayan ang naguguluhan pa rin. 

Halimbawa, may nagtanong kung itong Law No. 21 of 2015 ba ay sumasaklaw din sa mga nagtatrabaho sa mga bahay (Household Service Workers) tulad ng mga katulong, yaya, driver, at iba pa. Ang sagot po natin diyan ay malinaw na 'Opo'.  Di tulad ng Qatar Labor Law na hindi sumasakop sa mga HSWs, itong Law 21 of 2015 Regulating the entry, exit and residence of expatriates' o mas pwede pa natin matawag na 'immigration law' ay sumasaklaw sa lahat ng expats (mga dayuhang naninirahan sa Qatar) anumang klase ng kanilang trabaho. 

Pinapawalang-bisa ng batas na ito ang Law No. 4 of 2009 - Regulating the entry, exit, residence and sponsorship of expatriates o mas kilala noon na 'sponsorship law'.

Inaasahan na ngayong December 13, 2016 na tuluyang ipapatupad ang nasabing batas.