Gaano katotoo na wala na ngang 'Exit Permit' sa ilalim ng bagong kafala law?

Written by Ressie Fos
  • Pinterest

Marami po tayong nababasa o naririnig na umano ay 'wala ng Exit Permit' kapag naipatupad na simula ngayong Disyembre 13 ang Qatar Law No. 21, o eto ung tinatawag natin na reformed kafala o sponsorship law. Gaano po ito katotoo?

Sagot: Hindi po mawawala ang proseso ng pagkuha ng pahintulot upang makaalis ng bansang Qatar. Sa ilalim ng bagong batas, papalitan lamang ang pangalang 'Exit Permit' ng 'Leave Permit' at magkakaroon lamang ng pagbabago sa proseso.

Sa ngayong 'Exit Permit', ang proseso ay ganito: Magpapaalam ang worker sa kanyang employer na sya ay aalis ng bansa (e.g. bakasyon). Then ang employer ay mag aapply ng Exit Permit para sa worker.

Sa ilalim ng bagong batas, mismong ang worker na ang mag apply para sa 'Leave Permit' na inaasahang through online e.g. Metrash app ng MOI. Ang system ay automatic mag inform sa employer na ang worker ay nag aapply for leave permit at mayroong 3 days ang employer para mag object rito. Kung within 3 days ay wala namang objection ang employer, that means OK ang Leave Permit at makakalabas ng bansa ang worker. Pero kung sakali na may objection ang employer, ang worker ay magdudulog sa competent authority para e apila ito.

Sa madali't sabi po, gaya ng nauna kong sinabi, hindi po mawawala ang proseso ng pagpapaalam to leave Qatar, iniba nga lang ang pangalan at pati procedure.