Paghawak ng mga employers sa passport ng isang OFW

Written by Ressie Fos
  • Pinterest

Workers Rights Fact: 27 April 2015 

Legal ba o illegal ang paghawak ng mga employers sa passport ng mga manggagawa?

May mga nagtanong sa akin, kung legal ba o illegal ang hawakan ng mga employers ang passport ng isang OFW? Ang sagot po diyan ay: ITO PO AY ILLEGAL. Maaring hawakan lang ng employers ang passport ng isang OFW sa panahong pinoproseso ang residence permit, or renewal ng residence permit. Kinakailangang ibalik ito sa OFW ng employer kung tapos na ang pagproseso o renewal ng Residence Permit.

Sa mga follow-up Questions via Facebook:

Q: Jhun Cerero: Kmi po sir tapos na ng kontra bale 1month na kmi stop work ndi kmi binibigyan ng ticket at pag uwi wla po binibigay na pera cno kya mkatulong sa amin sir pra mkauwi na po kmi sir wla na po kmi sahod nagagastusan pa po kmi at yun pong pataka nmin xpired na sir. 

A: Isa-isahin natin Jhun.

1) Kung totoo mang natapos mo ang kontrata mo ng maayos at walang legal na dahilan, OBLIGASYON ng employer mo na sagutin ang Travel Ticket mo pauwi, gaya ng obligasyon nya dapat sa plane ticket mo papunta rito. Unless ikaw ay nag resign bago pa man magtapos ang kontrata mo, pedeng hindi ka bigyan ng plane ticket ng employer mo ng wala syang pananagutan sa batas.

2) Kung natapos mo ang kontrata mo ng walang legal na dahilan, for at least one year, ay entitled ka na makatanggap ng 'end of service benefit' or yung tinatawag ng iba na 'gratuity'. Kung gaano kalaki ang iyong gratuity ay nasa pinag usapan nyo un, or kung ano nakasabi sa kontrata, basta dapat HINDI BABABA SA SWELDO FOR AT LEAST 3 WEEKS SA BAWAT TAON ng serbisyo mo sa employer. Kung hindi ito binigay ng employer, maliwanag na ILLEGAL ang kanilang ginawa at may pananagutan sila sa batas.

3) Sino makakatulong sa inyo? Depende ito sa gusto nyo n mangyari. Halimbawa, mag reklamo ba kayo against s employer nyo para ma claim ang end of service benefit at plane ticket nyo pauwi + maayos ng employer anumang penalty na maaring sanhi ng pagkapaso ng inyong residence permit. Or, e waive nyo ang inyong claim basta maka uwi lang kau.

Ito ang maaring tumugon at makatulong sa inyo kahit papaano.
1) Una magreport kau ng sitwasyon nyo sa POLO-OWWA, para marecord kaso nyo, at makapagbigay ng advise sa dapat nyong gawin. Sila ang opisyal at tinalaga ng gobyerno ng Pilipinas para magbigay sa inyo ng kaukulang tulong within their jurisdiction.

2) Kung gusto nyo ma claim ang inyong benefits, pede kayo dumulog sa Ministry of Labor para ereklamo ang inyong employer. kapag naramdaman nyo na helpless kayo dahil sa una, issue ng language, di nyo alam ang inyong gagawin, di nyo alam ang proceso, pede kayo dumulog sa sa National Human Rights Committee para bigyan kau ng assistance, at matulungang mabackup ang inyong pangangailangang legal dulot ng kawalan ng kaalaman at pakaka deprive ng inyong karapatan bilang mga manggagawa.

Q: Nuhj Nuhj Zuproc: Paano po b computation ng gratuity ng five years above s company?? Thanx

A: Assuming na stated s contract mo na ang gratuity mo ay base s basic salary mo, ang gratuity is equal to monthly basic salary x the number of years you are in service s company. Halimbawa, monthly basic salary mo is 10,000 a month x 5, meaning makakatanggap k ng 50,000 gratuity.

Dagdag: Anne Macalinao: Added po sa sinabi ni sir Ressie S. Fos base sa Qatar labor law entitled po ang bawat employees na tumanggap ng 21 days per month po as gratuity. Ang tamang computation po ay kung magkano ang per day nyo × sa 21 days × how many years po kayo sa co.

Tama si anne, yan sinasabi ko na in case hindi nakasaad sa kontrata ang eksaktong amount or basehan ng gratuity, by default yan ay dapat hindi bababa sa 3 weeks or 21 days' ng fraction ng iyong buwanang sweldo. Pero if your contract so provides, ayon sa inyong pinagkasunduan that will prevail. Kaya dapat talaga aware tau s tinatakda ng batas at ng ating karapatang pantao bilang mga mangagawa.